^

Punto Mo

‘Upa sa ’kin roko ako’ (Akira urit)

- Tony Calvento - Pang-masa

“DATING narang dyip. Hakot-hakot gamit bahay… aris na sira!” nauutal na sumbong ng isang ‘Japanese National’ ng magsadya sa aming tanggapan.

Siya si Akira Uehara, 51 taong gulang, galing sa bansang Tokyo, Japan at kasalukuyang residente ng Manggahan, Pasig City. Mula nang lokohin si Akira ng asawang Pinay na si Brenda Uehara, pinagbebenta ang ilan sa napundar nilang bahay sa Pilipinas na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso at malimas ang kanyang mga mamahaling sasakyan, alahas at laman na pera sa ‘vault’, isang apat na palapag na paupahang gusali na lang sa Manggahan, Pasig City ang naiwan kay Akira.      

“Apat parapag. Yung first floor ako tira. Yung second, third at fourth floor dalawa pinto…upa ko,” kwento ni Akira.

Buwan ng Setyembre 2013, nabakante ang isang pinto ng paupahan sa ikalawang palapag. Ilang araw pa lang mula ng ipaskil ni Akira ang karatulang “FOR RENT” sa ‘gate’ marami na ang naging interesado sa ‘unit’. May sukat na 135sqm, tatlo ang kwarto.

Kwento ni Akira, isa sina Ma. Bianca Sanchez Moll, nasa edad 23 anyos kasama ang nakilala niya tawag na Ma’m Majoy Dela Cruz ang tumingin sa bahay. Nagpakilala silang mga ‘call center agents’.

Sa halagang Php11,500 nagkasundo sila Akirang sila na ang uukupa sa unit.

“Kasama ni Bianca isang bakra. Si Ma’m Majoy sama rin bakra… meron din mag-asawa…” pahayag ni Akira.

Mabilis na lumipat sina Bianca. Mahigpit na pinagbabawal sa paupahan ang pag-aalaga ng hayop subalit Disyembre 2012, nag-uwi daw sila ng dalawang aso.            “Una, rekramo sa akin katabi nirang unit at unit sa taas… baho dumi aso,” kwento ni Akira. Pinagsabihan ni Akira ang mga ito. Hindi naman pumapalya ng pagbabayad sina Bianca kaya’t ayos na kay Akira kahit may aso sila.

“Iba sira… sosyar. Yung mga iraw ko parit nila chanderier. Kabit rin sila tatro aircon, rahat ng kwarto,” ani Akira

Pagpasok ng taong 2013, napansin ni Akira na lagi na nade-‘delay’ na ang pagbabayad ng mga ito. Paliwanag daw sa kanya, paiba-iba ang petsa ng kanilang sahod sa call center. Pagpasok ng buwan ng Hulyo, maging ang nakonsumo daw ng kuryente ‘di na nila nabayaran. Dalawang buwan na sumunod ‘di rin sila nagbayad sa Meralco kaya’t hinatak ang kanilang kuntador at pinutulan na sila ng kuryente.

“Syempre garit na ako. Sabi ko kailangan bayad nira mga utang nira,” wika ni Akira.

Agosto 31, 2013… bigla na lang pumarada ang isang jeep sa tapat ng paupahan ni Akira. Mabilis na naghakot ng mga gamit sina Bianca sabay alis.

Kwento ni Akira, ‘di pa binabalik sa kanya ang susi dahil nangako daw ang mga ito na magbabayad ng upa para  sa buwan ng Agosto 22-September 23, 2013. Naghintay si Akira subalit walang bayarang nangyari.  Buwan ng Setyembre 29, 2013 natanggap na lang ni Akira ang Notice of Contract Termination mula sa Meralco. Base sa listahan ng Outstanding Bills,  nung buwan ng Hulyo halagang Php7,252. Halagang Php6,475 nung Agosto at Php4,309 para sa buwan ng Setyembre. Umabot sa Php18,081.80 ang utang nila.

Dumating din kay Akira ang bill nila sa tubig na nagkakahalaga ng 1,524Php. Ito ay para sa dalawang buwang gamit nila.

“Itong bir, bayad ko na kasi sub-meter naman ito. Digital Meter gamit ko. Kapag  ‘di ko sira binayad, putor rahat tubig namin,” ayon kay Akira.

Kung susumahin, aabot na umano sa Php55,000 ang utang nila Bianca.

“Pakabit pa ko bagong metro 10,000 daw iyon. Tapos Php2,000 para sa Termination Fee,” ayon kay Akira.

Ginigiit nila Bianca na may dalawang buwang deposito pa sila kay Akira kaya’t wala na silang utang. Paliwanag naman ni Akira kahit ibawas niya ang Php23,000 kulang pa ito pambayad sa naiwan nilang bayarin. Sinubukan niyang kausaping muli sina Bianca subalit ‘di na daw niya makontak ang mga ito sa kanilang mga cellphone numbers.

Nagtanong-tanong si Akira, namalaman niyang nagtatrabaho daw ang mga ito sa Results Manila Inc., Eastwood City.        

Ika-28 ng Nobyembre 2013, nagpunta si Akira sa opisina nila. Nalaman niya sa gwardiya na dun nga daw nagtatrabaho sina Bianca at Ma’m Majoy.

“Tawag sila gwardiya pero ‘di sira baba. Aris daw ako buirding…strict engrish zone daw dun bawar ‘di marunong engrish. Hirap, hirap… antay ako robby hanggang 9:40PM,” kwento ni Akira. Sa kasalukuyan wala pa rin daw kuryente sa dating unit nila Bianca dahil ‘di pa ito napapakabitan ng bagong kuntador.

“Roko roko nira ako. Gusto ko maraman ng mga taong tao gawa nira sa akin…” ani Akira.

Katanungan ni Akira posible pa ba niyang mahabol ang dating ‘tenant’ para mabayaran ang mga utang daw nito sa kanya? Kaya’t nagsadya siya sa amin.

Itinampok namin si Akira sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN) SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, diniretso namin si Akira na sa kasalukuyan ang pwede naming gawin ay mamagitan sa kanilang dalawa para sila’y magkausap tungkol sa mga naiwang bayarin ng mga ito sa kanyang unit.  Ilan lang si Akira sa mga nagpapaupa ng bahay na nakukunsumi pag dumating ang araw ng singilan walang maibigay ang tenant lalayasan ka na lang. Tinanong namin si Akira kung may kontrata ba itong sina Bianca sa pag-upa sa unit. Sagot ni Akira, wala at berbal lang ang naging kasunduan nila.

Para matulungan si Akira at para na din sa isang PATAS NA PAMAMAHAYAG, tinawagan namin ang mga numero ni Bianca at Majoy para makuha ang kanilang panig sa usaping ito subalit wala sa mga cellphone numbers nila ang makontak. Tinawagan din namin ang Results Manila Inc., Eastwood City kung saan call center agents daw ang mga ito.

Kung kaya nilang manloko ng tao na tulad ni Akira, dapat mag-ingat din ang ‘HR ng ‘Call Center’ na ito baka kayo ang kanilang susunod na bibiktimahin. Hindi magandang imahe sa inyong kumpanya na may mga empleyado kayo na tinatakasan ang kanilang responsibilidad. Baka matakot ang mga kliyente ninyo at maglipatan sa iba. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. Maari din kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  O tumawag sa 6387285 / 7104038.

AGOSTO

AKIRA

BIANCA

BRVBAR

DAW

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with