^

Punto Mo

Illegal gambling

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT lang maalarma ang mga tong collectors sa mga pasugalan, putahan at vendors sa Metro Manila dahil sa pagkamatay ni Udeng Montalbo. Sa report na nakarating sa akin, sinaksak at ginilitan pa sa leeg ng mga “maskuladong lalaki” si Montalbo sa Novaliches, Quezon City noong Biyernes. Kung nakarating na sa Metro Manila itong mga “maskuladong kalalakihan”, hindi na ako magtataka mga kosa kung may madebdol na namang tong collector sa susunod na mga araw. Mahigit isang dosenang tong collector ang natigbak sa taon na ito mga kosa at karamihan sa kanila ay naka-base sa Calabarzon area. Subalit sa ngayon, pati sa Metro Manila, pumasok na itong mga “maskuladong kalalakihan” kaya medyo may nerbiyos na ang mga “tong collectors” na nag-iikot sa pasugalan, putahan at vendors sa pangambang baka isusunod na sila. Mismo!

Pero sa ganang akin, walang karapatan itong mga “maskuladong kalalakihan” para kitlin ang buhay ni Montalbo, na ang kasalanan lang ay ang mabigyan ng pang araw-araw na pagkain ang kanyang pamilya. Tanging ang nasa Itaas lang ang may karapatan kung dapat pa bang manatili ka sa mundong ito o hindi, di ba mga kosa? Sana danasin din ng mga “maskuladong kalalakihang” ito o ng kani-kanilang pamilya at kamag-anak itong kalupitang pinaggagawa nila sa kapwa nila dito sa ibabaw ng mundo. Hindi kayo Diyos para husgahan ang kapwa n’yo, ‘yan ang sigaw ng mga kosa ko.

 Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na si Montalbo ay nag-iikot sa area ng Northern Police District (NPD) gamit ang CIDG at NCRPO. Mayabang daw kung umasta si Montalbo at dahil sa kaingayan niya, nabibisto na kumukurot ang CIDG sa pasugalan, putahan at vendors. Kaya ginilitan pa matapos saksakin si Montalbo ng mga “maskuladong kalalakihan,” anang mga kosa ko sa Camp Crame. Hehehe! Ang lupit naman nitong mga “maskuladong kala­lakihan,” di ba mga kosa?

Kahit binabanggit ni Montalbo ang CIDG at NCRPO sa pag-iikot n’ya, marami sa mga kausap ko sa Camp Crame ang nagsasabing walang kinalaman sa pagpaslang kay Montalbo sina CIDG chief Dir. Frank Uyami at NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. Bakit kailangan pang dungisan nina Uyami at Garbo ang kamay nila e papaalis na sila sa kani-kanilang puwesto? Sa katunayan, si Uyami ay pinalitan kahapon ni Chief Supt. Benjie Magalong samantalang si Garbo naman ni Dir. Mel Valmoria. Nagkaroon kasi ng rigodon sa PNP at kasama sina Uyami at Garbo sa mga naapektuhan. Sa tingin n’yo ba mga kosa, pag-interesan pa nina Uyami at Garbo si Montalbo eh baka maunsiyami pa ang promotion nila? Mismo!

Pero sa totoo lang, kahit may pinaiiral na “no take” policy ang opisina nina Uyami at Garbo sa illegal gambling, pasimple namang kumukurot ang mga operating units nila sa gambling lords. At putok sa lahat ng sulok ng Metro Manila na si Gerry Salustiano ang tong collector ng SRU ng CIDG samantalang si Arnel Cruz naman ang sa Interdiction Unit (IU) ng Intelligence Group (IG). Ang binabanggit ni Salustiano ay ang pangalan ni Supt. Ariza ng SRU at si Cruz naman ang kay Col. Elenzano ng IU. Sa pagretiro ni DI chief Dir. Cipriano Querol Jr. noong Dis. 8, mababago kaya ang kalakaran ng illegal gambling sa bansa? Abangan!

ARNEL CRUZ

BENJIE MAGALONG

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

KOSA

METRO MANILA

MONTALBO

UYAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with