^

Punto Mo

Bonding

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

“Ako ay ina ng 3-year-old na bata. Working din ako nang mapag-isipan na mas kailangan ako ng lumalaki kong anak. Kaya napagpasiyahan naming mag-asawa na siya na lang ang magtrabaho at magiging fulltime housewife at mom na lang ako. Kaso, nalulungkot ako kasi tatlong taon na ang anak ko, may isip na, at mas malapit siya sa ama niya kaysa akin. Punang-puna ko iyon kahit dalawang buwan na kaming kami lang ang magkasama sa bahay. Paano ko kaya magagawang palapitin ang loob niya sa akin? Ikaw nagtatrabaho ka, nagnenegosyo pero marami pa ring panahon para kay Gummy. Paano mo ito ginagawa?’’

Narito ang mga pamamaraang ginagamit ko at ginagawa namin ni Gummy para makakonek sa isa’t isa.

1. Magkaroon ng mga ritwal. Magbasa ng kuwento bago matulog. Kumanta habang naliligo ng sabay. Mahalaga sa mga bata, lalo na sa ganyang edad ang may espesyal na gawain. They feel closer to you kapag meron kayong ritwal.

2. Magpatawa. Masusorpresa ang anak mo dahil hindi nito aakalaing ang matatanda ay nakakatawa pala.

3. Minsan okay lang na hindi sundin ang ilang rules. Halimbawa, bigla kang magpakain ng pizza o burger para sa breakfast o kaya papiliin siya ng candy sa grocery. Mapi-feel ng anak mong espesyal siya at ang ginawa mong exception sa rule.

4. Basahan siya ng libro. Magandang panimula rin ang pagbabasa upang makapagsimula ng mapag-uusapan dahil maaari kayong magtanungan.

5. Maglaan ng oras sa anak. Sabi nga nila, you don’t find time. You make it. Gumawa ng oras para makapiling at mas makilala ang anak.

6. Halikan at yakapin ang anak. Napakamakapangyarihan ng affection o sense of touch. Ang simpleng pagyakap, paglalambing sa mga bata ay malaki ang dulot sa pakiramdam nilang mahal mo sila.

7. Kung hindi magtagumpay ang anak sa kahit anong bagay, gaano man kaliit o kababaw, dapat ay naroroon ka. Kung nasa tabi ka niya sa tagumpay, dapat nandiyan ka rin sa kabiguan. 

8. Gumawa ng nicknames at pangalan sa inyong mga espesyal na gawain. Tulad namin ni Gummy ang tawag namin sa pagligo ay babath. O kaya ang mahigpit na yakap ay tinatawag naming super hug. Pangalang kayong dalawa lang ang nakakaalam.

9. Maging kaibigan ng iyong anak. May mga magulang na masyadong ang pagka-magulang na kinakatakutan na ng kanilang mga anak. Kailangan ay hindi matakot ang anak mong lumapit sa iyo para magsabi o humingi ng kung ano. Sa edad ding iyan ng bata ay nais niyang makapiling ka bawat sandali ano man ang nais mong gawin. Si Gummy nga kahit pag-ihi ko lang gusto sumasama. Kahit may kukunin lang ako sa kotse. Kaya isinasama ko siya kahit sa pagogrocery. Magandang pagkakataon din ito upang maturuan ang iyong anak ng ilang basic tasks. Masarap utusan ang toddlers kasi pakiramdam nila ay mahalaga ang kanilang pagtulong sa iyo. Samantalahin mo na iyan, kapag lumaki na iyan baka hindi mo na mautusan.

AKO

ANAK

BASAHAN

GUMAWA

KAYA

LANG

MAGANDANG

PAANO

SI GUMMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with