Lampong (494)
M AYROON pang Australian na nagtungo kay Dick at nagpapasalamat. Nagkaanak daw ang foreigner sa asawang Pinay makaraan ang sampung taong pagsasama. Wala na raw silang pag-asa ng asawang Pinay pero dahil sa Uloy nuts (spicy flavor) ay nagkaanak sila at kambal pa. Kaya bilang pasasalamat ay nagtungo sila rito sa bansa at hinanap ang factory ng Uloy nuts.
Ayon sa Australian, aksidente lamang daw kung bakit siya nakakain ng Uloy Nuts (spicy flavor). Isang kamag-anak daw ng kanyang asawang Pinay ang nagtungo sa Sydney at may dalang mga sitsirya. Kabilang sa mga sitsirya ang Uloy Nuts. Habang nag-iinuman daw sila ng alak ay ang Uloy Nuts ang pulutan. Marami raw siyang nakaing Uloy Nuts sapagkat napakasarap na pulutan. Tamang-tama raw ang timpla. Hindi raw ito maalat na hindi katulad ng ibang nuts.
Pati raw ang kanyang asawang Pinay ay napakarami ring nakaing Uloy Nuts. NaÂubos daw nila ang ilang bundle ng Uloy nuts from the Philippines.
At hindi raw niya maipaliwanag ang mga pagbabago sa kanya at maski sa kanyang asawa makaraang makakain nang maraming Uloy Nuts. Sumigla raw siya. Para raw may nabuhay sa kanyang “pagkalalakiâ€. Ang kanyang misis naman ay gayundin.
Hanggang sa lumipas daw ang ilang buwan at napansin niya ang pagbabago sa kanyang misis. Lagi raw inaantok, tamad kumilos at kung umaga ay nagsusuka pero wala namang maisuka.
Nang magpa-check-up sila, kinumpirma ng Ob-Gyne na buntis ang kanyang asawa. Gusto raw niyang maglulundag sa tuwa. At ang nakagugulat pa ay nang malaman nilang kambal ang pinagbubuntis ng asawa.
Kaya nang manganak ang kanyang asawa, pinaÂngako nilang magha-holiday sa Pilipinas. Hahanapin niya ang may-ari ng Uloy Nuts.
Walang patid sa pasaÂÂsaÂlamat ang Australian. Kung hindi raw sa Uloy, wala pa silang anak. Babalik daw uli ang Australian para siya dalawin.
Natutuwa naman si Dick at maraming natulungan ang Uloy nuts. Malaking tulong sa mga kalalakihang may problema sa kanilang batutoy.
KAPAG pinanonood nina Dick at Jinky ang mga anak habang naglalaro ay hindi pa rin sila makapaniwala na magkakaroon nang maraÂming anak. Ang akala ni Dick, hindi na siya magkakaanak pero eto at sobra-sobra pa ang ibinigay ng Diyos.
(Tatapusin na bukas)
- Latest