^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (10)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

81. Kapag nakakadama ng pagkalula na may kasamang “feeling” na masusuka, mainam na amuyin ang rubbing alcohol para matanggal ang masamang pakiramdam.

82. Huwag nang gumamit ng chemicals sa pagpatay ng langgam. Maglagay ng tubig at asin sa spray bottle. Kalugin hanggang sa matunaw ang asin. Iisprey sa langgam. Boom! Patay.

83. Ang pakikinig ng good music ay nagpapabago ng iyong perception sa oras. Nawawala ang pagkainip kung nakikinig sa music habang naghihintay.

84. Ang pag-inom ng tequila nang tama ay nagpapababa ng tsansa na magkaroon ng dementia.

85. Siyam na pagkain na nagtatanggal ng kabag, heartburn, indigestion, pakiramdam na masusuka: saging, luya, plain yogurt, apple sauce, papaya, oatmeal, white rice, chamomile tea, chicken soup.

86. Huwag mong pintasan ang mga “choices” sa buhay ng iyong karelasyon. Isa ka sa mga “choices” niya.

87. Kung maglilinis ka ng suka (vomit) ng iyong kapamilya, budburan muna ito ng ground coffee. Nakakatanggal ito ng ma­samang amoy at nakakatuyo para mabilis walisin.

88. Kapag may nagbibigay sa iyo ng unsolicited advice, ang isagot mo ay “tama ka” or “you’re right”. Mas diplomatic kaysa “alam ko” or “I know”.

89. Nutella Cookies: 1 cup Nutella + 1 whole egg + 1 cup flour. Haluin nang paikot. Isang direksiyon lang. Ihurno ng 6 to 8 minutes sa 350 F.

90. Ubo nang ubo sa gabi? Para tumigil: Pahiran ng Vicks Vaporub ang paa. Magsuot ng medyas. (Itutuloy)

HALUIN

HUWAG

IHURNO

IISPREY

ISA

ISANG

KAPAG

NUTELLA COOKIES

VICKS VAPORUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with