^

Punto Mo

Lampong (490)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

N ANGANAK si Jinky sa pang-12 nilang anak. Lalaki ang ipina­nganak niya. Pitong lalaki at limang babae lahat ang kanilang anak.

Habang pinagma­masdan ni Dick ang bunso­ sa nursery ay hindi siya makapaniwala na maka­gagawa ng 12 anak. Parang mahirap paniwalaan dahil noon ay problemado siya kung paano magkakaanak. Noon, kahit nga isang anak lang ang ipagkaloob sa kanya ng Diyos ay tatanggapin niya. Pero ngayon ay sobrang-sobra pa ang ibinigay sa kanila ni Jinky. At malaki ang nagawa ng Uloy nuts sa pagkakaroon nila nang maraming anak.

Wala naman silang problema kahit magka­anak nang marami dahil marami na silang ari-arian. Hindi sila magugutom sapagkat maunlad na maunlad ang kanilang Uloy Nuts factory. Marami silang itik. Mapag-aaral nilang lahat ang mga bata.

Kapag pinagmamasdan ni Dick at Jinky ang mga anak na masayang nagla­laro sa kanilang malawak na bakuran ay hindi pa rin sila makapaniwala na darami sila sa bahay na iyon.

“Tama ka, Dick, masaya nga kapag maraming anak.’’

“Naniniwala ka na sa akin ngayon.”

“Oo. Paniwalang-paniwala.’’

“Salamat sa Diyos at pinagkalooban tayo nang maraming anak. Mayroon nang magpapatuloy ng ating negosyo. Gusto ko kasi hindi maputol ang negosyo na ating sini­mulan.’’

“Salamat din sa Uloy at nagkaroon tayo nang matatag na buhay.’’

“Kaya nga pangako ko rin na magsasagawa ng lecture para makapagtanim ng Uloy ang mga tao. Sabi ng DENR hikayatin ko mga tao na magtanim. Kaya nga sa mga darating na araw, magsasalita ako sa mga tao at ituturo ang tamang pagtatanim ng Uloy. Sa­sabihin ko na wonder tree ang Uloy. Lahat ay narito na sa punongkahoy na ito…”

Ganoon nga ang ginawa ni Dick. Nagsalita siya at nagturo sa mga tao.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANAK

DIYOS

GANOON

JINKY

KAYA

SHY

ULOY

ULOY NUTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with