^

Punto Mo

Walang kadala-dala!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Wala talagang kadala-dala ang ilan nating mga kababayan na nasasangkot o nagpapagamit sa mga sindikato ng ilegal na droga.

Marahil eh talagang nasisilaw sa alok na bayad sa kanilang pagiging courier sa kung saan-saang lugar o bansa.

Kamakalawa lamang, isang 25-anyos na OFW ang nasabat ng mga tauhan ng PDEA at Customs sa Terminal 1 ng NAIA.

Ito ay makaraang mahulihan siya ng may P10 milyong halaga ng liquid cocaine.

Galing Qatar si Mary Joy Soriano, na tubong-Quirino Province­ nang masabat ng mga awtoridad.

Nakalagay sa lalagyan ng shampoo ang mga liquid cocaine.

Aba’y ito na umano ngayon ang bagong modus ng drug syndicate, dahil mukhang mas madali yata itong maipuslit.

Katwiran ng nadakip na Pinay, hindi sa kanya ang nakuhang bagahe na may droga.

Pero hindi ito kinagat ng mga awtoridad dahil sa impormasyon na nanggaling na rin sa Dubai, at iba pang drug hotspots tulad ng Hong Kong, Macau, Thailand at Brazil ang nadakip bago ito magtungo sa  Doha, Qatar at umuwi sa Pinas na dito na nasabat sa kanya ang liquid cocaine na pinaniniwalaang aabot sa dalawang kilo.

May report pa na minamanmanan na rin ng  US Drugs Enforcement Agency ang Pinay.

Marami rin naman sa ating mga kababayan ang talagang nabibiktima na rin dahil sa sobrang pagtitiwala.

Yung mga ‘paki-padala’,  madalas na ok lang sa isang OFW na hindi naman niya bineberipika kung ano ang laman ng bagahe. Pakikisama raw kasi.

Ang hindi niya alam, nasa panganib na siya dahil ilegal­ na kontrabando pala ang kanilang dala.

Pero talagang may  naga­gamit talaga ang sindikato, hanggang sa dumarating pa nga sa punto na pinapalunok sa kanila ang mga droga na ipapasok nila sa ibang bansa.

Marami na tayong mga kababayan ang naging ganyan ang kapalaran at napahamak, sana ay matuto na sa mga leksyon o kaganapan ng nagdaan.

DRUGS ENFORCEMENT AGENCY

GALING QATAR

HONG KONG

MARAMI

MARY JOY SORIANO

PERO

PINAY

QUIRINO PROVINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with