^

Punto Mo

Lampong (483)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

M ASKI si Jinky ay sang-ayon sa pasya ni Dick na huwag nang pag-interesan ang tungkol sa PENISITIK. Hayaan na lamang na kusang mamatay ang gamot at ganap na malimutan ng mga tao lalo na ng mga kalalakihan.

“Maraming problemang idinudulot ang gamot na yun Dick. Gusto ko nang matahimik at matiwasay ang buhay. Lagi na lamang tayong dinaratnan ng problema dahil sa gamot na yun,” sabi ni Jinky.

“Iyan din ang gusto kong mangyari, Jinky. Nakakasawa na ang mga dumarating na problema.’’

“Mabuti nga at sa pagkawala ng dati mong ka­ibigan ay mawawala na rin ang gamot.’’

“Magko-concentrate na lang tayo sa Uloy Nuts. Palagay ko dito tayo lubos na uunlad.’’

“Pero paano kung may makatuklas na ang Uloy Nuts pala natin ang pinanggagalingan ng mahiwagang gamot sa ED? Baka hindi rin tayo matahimik at laging may gustong magtanong kung ipagbibili natin ang produkto.’’

“E di hindi natin sila i-entertain. Basta wala tayong sasabihin. Bahala sila kung ang ating Uloy Nuts ay mahusay pala sa ED. Basta tuluy-tuloy lang ang production natin.’’

“Okey, aprub.’’

“Pero patuloy pa rin tayo sa pag-raise ng itik. Huwag nating iwawala dahil marami na rin tayong parukyano.’’

“Aprub, Dick. Mahusay ka talagang negosyante.’’

“Ang balak ko pa, magdag­dag pa ng mga tanim na Uloy sa tabing ilog. Napag-alaman ko, mahusay palang sumipsip ng tubig ang Uloy kaya ma­daling mawala ang pagbaha.’’

“Napakahusay pala talaga ng Uloy.’’

“Wonder Tree nga Jinky. Nakakagaling ng sugat ang balat at dahon at mahusay din para mapigilan ang soil erosion.’’

“Mas mabuti nga kung punuin natin ng Uloy ang ating mga lupa.’’

“Iyan ang naiisip ko. Kung makakabili pa tayo ng lupa, pawang Uloy ang itatanim natin.’’

“Sige Dick, alam ko lahat nang plano mo ay nangyayari. Sundin mo kung ano ang tama at nararapat.’’

Lalo pang naging masigasig si Dick. Sa tulong ni Mulong at Tina ay marami pa silang naisip na flavor para sa kanilang Uloy Nuts. Lalo pang lumaki ang demand nila. Maraming nakagusto sa kakaibang nut na kanilang ginagawa.

Pero tama si Jinky na maraming dumarating at nagtatanong sa bisa ng Uloy nuts sa mga lalaking may problema sa pagkalalaki. Pero gaya ng sinabi ni Dick, wala silang inaamin ukol doon.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

APRUB

IYAN

JINKY

MARAMING

PERO

SIGE DICK

ULOY

ULOY NUTS

WONDER TREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with