Lampong (475)
TUMAYO si Dick at nagpalakad-lakad sa harapan ni Rey. Pinag-iisipan niya kung sasabihin dito ang tinutuka ng mga itik na nagbibigay ng mahiwagang gamot.
Tumayo rin si Rey at kinumbinsi si Dick na sabihin kung ano ang kinakain o tinutuka ng mga itik.
“Ikaw lamang ang makakatulong sa akin, Pareng Dick. Kapag nalaman ko ang tinutuka ng mga itik, makaÂkabawi ako. Maibabalik ko ang tiwala ng pharmaceutical company. Hindi na ako magtatago na parang pugante. At tiyak ko, mababawi ko ang mga natalo sa akin sa casino…’’ sabi nito na tinapik pa sa kanang balikat si Dick.
Nag-iisip naman si Dick. Mukha namang nagsasabi ng totoo si Dick.
“At kapag nakabawi ako, kasama ka sa tagumpay Pareng Dick. Hindi kita malilimutan. Pangako Pareng Dick,’’ sabi pa ni Rey.
Tiningnan ni Dick si Rey. Nakita niyang mailap ang mga mata nito. Parang hindi seryoso sa sinasabi.
“Sige na Pareng Dick! Parang awa mo na. Ikaw lang ang makakatulong sa akin.â€
Nagpalakad-lakad si Dick at nakabuntot naman si Rey. Pinipilit siya.
“Sige na Pareng Dick. MaÂlaman ko lang pangalan ng tinutuka ng itik ay tiyak kong makakabawi ako. Bunga ba ng halaman ang tinutuka ng itik? Kasi naalala ko, meron kang sinabi na isang puno na gustong tukain ng mga itik. Hindi ko lang maalala kung anong puno ‘yun. Pero kung makikita ko, baka maalala ko…’’
Kinabahan si Dick. Matalino si Rey, maaaring malaman na Uloy ang kinakain ng mga itik. Baka biglang maalala nito.
“Pareng Dick, parang awa mo na.’’
Hanggang sa marinig ni Dick na may tumatawag sa labas ng pinto. Tiningnan niya. Si Mulong pala.
“Bakit Mulong?â€
“May naghahanap sa kaÂibigan mo, mga pulis yata!â€
(Itutuloy)
- Latest