^

Punto Mo

Milyonarya, nagpakasal sa dolphin!

- Arnel Medina - Pang-masa

MAY mga babaing binabatikos dahil nagpakasal sa babaero, tamad, lasenggo, umbagero at drug addict na lalaki. Pero mas lalong binabatikos ang mga babaing nagpapakasal sa hayop gaya ng isang milyonarya sa Britain na nagpakasal sa isang dolphin.

Noong Disyembre 2005, ipinasya ni Sharon Tendler, 41, isang British millionaire, na pakasalan ang isang dolphin na pinangalanan niyang Cindy. Naganap ang kasalan sa isang Israeli resort.

Na-meet ni Sharon si Cindy 15 taon na ang nakararaan nang una siyang bumisita sa resort. Ganap na na-in love si Sharom kay Cindy. Tatlong beses isang taon kung magtungo sa Israel at nakikipagtagpo kay Cindy sa ilalim ng tubig.

Pagkaraan ng ilang taong pakikipagromansa kay Cindy, naipasya ni Sharon na pakasalan ito. Noong Disyembre 28, 2005, naganap ang kasalan sa resort. Naka-white dress ang bride na si Sharon. May 100 ang guests.

Nasa tubig ang groom na si Cindy kasama ang ilang dolphins na nagsilbing bestmen. Lumuhod si Sharon at ginawa ang seremonya.

Nang matapos ang kasal, nag-kiss sila. Pagkaraan ay inihagis si Sharon ng kanyang mga kaibigan sa tubig at magkasama silang lumangoy ng kanyang asawang dolphin.

Subalit maagang nabiyuda si Sharon sapagkat noong Hunyo 18, 2006, namatay si Cindy. Ang kanyang bangkay ay pinaanod sa dagat.--www.oddee.com--

vuukle comment

CINDY

GANAP

HUNYO

ISANG

LUMUHOD

NAGANAP

NOONG DISYEMBRE

PAGKARAAN

SHARON

SHARON TENDLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with