^

Punto Mo

Ang mga bampira

- Arnel Medina - The Freeman

JOSEPHINE REBECCA SMITH, 22, taga-Florida. Isa raw siyang bampira. Ang kanyang biktima ay si Milton Ellis, 69, naka-wheelchair.

Ayon kay Ellis, nasa harapan siya ng Hooters Restaurant sa Florida ng gabing iyon. Nakaidlip siya. Nang magising nasa ibabaw niya si Josephine at nanlilisik ang mga mata at sinabi rito na isa siyang bampira. Pagkaraan niyon ay kinagat siya sa leeg, labi at mukha. Natuklap ang bahagi ng mukha at labi ni Ellis dahil sa kagat. Nagdugo ang mukha niya.

Ganunman kahit may kapansanan, nagawa pa ring makalayo ni Ellis sa lugar at nakatawag ng pulis.

Nang dumating ang mga pulis, naabutan nila si Josephine na hubad ang pang-itaas na damit at maraming dugo sa bibig. Nanlilisik pa rin ang mga mata.

Bago inaresto si Josephine, sinabi niya sa mga pulis na wala siyang maalala sa mga nangyari. (www.oddee.com)

 

LYLE MONROE BENSLEY, 19, taga-Texas.  Bampira raw siya.

Noong 2011, pumasok sa bahay ng isang babae si Bensley at bigla itong kinagat sa leeg. Humihingasing ito at umuungol. Naka-boxer shorts lamang si Bensley.

Kahit may kagat, nagawang makatakas ang babae at nakapagsumbong sa mga pulis.

Nang dumating ang mga pulis, sabi ni Bensley, “Ako ay bampira. Ako ay 500 taong gulang na!”

Sabi ng mga pulis, nagmamakaawa si Bensley. Huwag daw siyang arestuhin. Nagugutom lamang daw siya. (www.oddee.com)

vuukle comment

AYON

BAMPIRA

BENSLEY

ELLIS

GANUNMAN

HOOTERS RESTAURANT

HUMIHINGASING

MILTON ELLIS

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with