^

Punto Mo

Lampong (422)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINAGPATULOY ni Dick ang pagbabasa sa balitang may kinalaman sa PENISITIK. Ang PENISITIK ay ang gamot na inimbento ni kaibigan niyang si Rey. Nagmula sa itik ang gamot na iyon na napatunayang nakagagaling sa may erectile dysfunction (ED).

Ayon sa balita, dinagsa ng reklamo ang pharmaceutical company na naglabas ng PENISITIK. Binatikos nang marami sa interntet ang pharma company at nagbanta ang mga bumili ng gamot na magra-rally sa tapat ng komopanya. Reklamo ng mga consumers (pawang mga lalaki na above 40 years old), napakamahal ng gamot at nang kanilang gamitin ay walang epekto. Hindi nalunasan ang kanilang ED. Sigaw ng mga consumers, peke ang PENISITIK! Huwag paniwalaan ang gamot na ito! Banta ng iba pa, magsasampa sila ng kaso kapag hindi pa inalis sa mga drug store ang PENISITIK. Nagbabala rin na huwag nang tangkilikin ang gamot sapagkat malaking kasinungalingan na nakagagamot ito ng ED.

Napailing-iling si Dick makaraang mabasa ang balita. Bakit kaya nawalan ng bisa ang PENISITIK gayung dumaan sa pagsubok? Bago ilabas ang gamot sa publiko ay maraming beses tinitesting para mapatunayan ang bisa?

Naalala ni Dick na ang mga itik na nakakain lamang ng Uloy Nuts ang nagkakaroon ng “mahiwagang gamot”. Kung karaniwang itik lamang ang gagamitin o pagkukunan ng karne, wala talagang bisa ang malilikhang gamot.

At iyon ang hindi alam ni Rey. Ang akala siguro niya, basta itik ay puwede na. Hindi niya alam na ang mga itik ay dapat makatuka ng Uloy para magkaroon nang mahiwagang gamot para sa mga lumalambot na batutoy.

Kinabukasan, muling sinubaybayan ni Dick sa diyaryo ang balita sa PENISITIK. Na­basa niya na hinahanap ng phar­ma company ang imbentor ng PENISITIK na si Rey. Pero ayon sa report, hindi na ito matagpuan. Balita ay nasa ibang bansa na. Kailangan daw makita ang imbentor para malaman ang katotohanan ukol sa PENISITIK. Kapag natuklasan na niloko sila o peneke ni Rey, magsasampa sila ng kaso. Maaaring makulong nang ha­bambuhay si Rey.

Kinabukasan, may balita uli ukol sa imbentor ng PENISITIK na si Rey. Hinaha­nap na raw ito ng mga awtoridad. Nahaharap sa malaking kaso si Rey. Ipakakalat na raw ang mga larawan nito para madaling makita.

Napa-tsk-tsk si Dick. Kar­ma kaya ang nangyari kay  Rey? Posible. Masyadong naga­haman sa hindi naman siya ang tunay na nakatuklas. Pero naisip din ni Dick na baka hindi na makita si Rey. Sa dami ng pera na natanggap sa pharma company, maaaring nagpa-plastic surgery na ito. Mautak si Rey.

 

ISANG umaga, busy si Dick sa ginagawa sa kanyang laptop nang tawagin siya ng isang crew ng Uloy Nuts.

“Kuya, may naghahanap sa’yo, Rey daw!’’

Napamaang si Dick.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DICK

GAMOT

KINABUKASAN

PENISITIK

PERO

REY

ULOY NUTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with