^

Punto Mo

Unang face transplant: Isinagawa sa babaing nilapa ng alagang aso

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG unang face transplant ay isinagawa noong Nobyembre 27, 2005 nina Dr. Bernard Devauchelle, isang oral at maxillofacial surgeon, at Jean-Michel Dubernard ng Amiens, France. Ang kanilang pasyente ay si Isabelle Dinoire na ang mukha ay grabeng napinsala makaraang lapain ng alaga nitong aso. Naganap ang insidente noong Pebrero 2005.

Ayon sa report, nag-take umano nang maraming sleeping pills si Dinoire. Na-overdose si Dinoire at hindi ito magising. Ayon sa kuwento ng anak ni Dinoire, nakita niyang kinakagat at kinakalmot ng alagang Labrador Retriever ang mukha ng kanyang ina. Duguan at wasak na wasak umano ang mukha nito.

Hinala, ginigising ng La­ brador ang among si Dinoire subalit hindi magising kaya kinagat at kinalmot ang muk­ha.

Ayon naman sa pagkukuwento ni Dinoire, masyadong marami siyang problema kaya nag-take ng sleeping pills. Nahilo umano siya at bumagsak. Tumama ang kanyang ulo sa furniture at nawalan ng malay. Sa sitwasyon iyon siya nakita ng aso at tinangka siyang gisingin.

May nagsasabi naman na tinangka ni Dinoire na magpakamatay ng oras na iyon.

Magkaganoon pa man, pinatay ang asong lumapa sa mukha ni Dinoire sa pamamagitan ng euthanasia.

Isinagawa ang transplant sa mukha ni Dinoire. Kumuha ng tissue mula sa ilong at bibig ng isang donor --- isang brain-dead woman. Iyon ang inilagay (grafted) sa mukha ni Dinoire

Pagkaraan ng 18 buwan, inilabas ng New England Journal of Medicine na tagumpay ang transplant. Masayang-masaya si Dinoire sa resulta ng transplant. --www.oddee.com--

 

AMIENS

AYON

DINOIRE

DR. BERNARD DEVAUCHELLE

DUGUAN

ISABELLE DINOIRE

JEAN-MICHEL DUBERNARD

LABRADOR RETRIEVER

NEW ENGLAND JOURNAL OF MEDICINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with