^

Punto Mo

Bagyong ‘Yolanda’ gawa ng tao?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISA sa mga isyung pinagdebatehan sa nakaraang mga araw ay tungkol sa Super Bagyong Yolanda. Pinagtalunan kung bunga ba ito ng tinatawag na global warming o pagbabago ng klima ng daigdig. Meron pa ngang kumalat sa social media na gawa umano ng tao ang bagyong ito na sumalanta sa maraming buhay at ari-arian sa Central Visayas. Mas matindi ang akusasyon o tsismis na nagsasangkot sa ilang maunlad na bansa sa pagkakabuo ni Yolanda pero parang lumalabas na iniuugnay lang ito sa global warming na kagagawan din naman talaga ng tao o ng mga industriyalisadong bansa.

Ilang dekada na rin kasing  nagbibigay ng babala ang mga eksperto na kabilang sa epekto ng global warming ang lalong pag­lakas o pagiging mas mabangis ng mga bagyong dumarating sa iba’t ibang bansa sa mundo. Kaya hindi siguro maiwasang maisabit kay Yolanda ang usapin ng climate change.

Pero, ayon naman sa ilang scientist, wala pang konklusibong ebidensiya na may kinalaman sa global warming ang super bagyo na ito. Kumalat din sa social media ang isang video na nagpapakita na si Yolanda ay bunga umano ng isang teknolohiyang gawa ng tao na tinatawag na microwave pulse. Hindi umano natural phenomenon ang super bagyong ito.  Maaari umanong bunga ito ng isang microwave pulse sa West Pacific. Pero pinabubulaanan naman ito ni Dr. Mahar Lagmay, isang scientist at professor ng University of the Philippines. Pinuna ni Lagmay na walang naipakitang pruweba ang nagngangalang Dutchsinse na nagpakalat ng video at ginamit lang nito ang pangalan ng Stanford University para magmukhang may kredibilidad ang teorya nito.

Para naman kay Brian McNoldy, senior research associate ng University of Miami, si Yolanda ay kabilang lang sa isang grupo ng mga malalakas na bagyo na nakakalat sa mundo sa nagdaang mga dekada. Ayon kay Gabe Vecchi, research oceanographer ng  National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), maliit lang ang kontribusyon ng global warming kay Yolanda. May iba pa anyang mga bagay na bumuo sa bagyong ito tulad ng weather fluctuation at climate variability.

Gayunman, napapansin na nga rin ng mga scientist na ang mga bagyong dumarating sa Pilipinas nitong nagdaang ilang taon ay nagiging mas malakas o mas matindi ang pinsalang idinudulot sa bansa. Pero ano nga ba ang magagawa natin sa pagbabagong ito ng klima ng mundo? Kahit nga ang mismong global warming ay sinasabing hindi na maiiwasan pero maaari naman umanong pabagalin o ibsan ang epekto nito.

• • • • • •

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa email address na [email protected])

CENTRAL VISAYAS

DR. MAHAR LAGMAY

GABE VECCHI

NATIONAL OCEANIC AND ATMOSPHERIC ADMINISTRATION

PERO

STANFORD UNIVERSITY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with