Lampong (468)
HANGGANG sa magÂluwas na sila sa MayÂnila ng uloy nuts. Unang inialok ni Dick sa mga tindahan sa Divisoria at iba pang mga palengke sa Metro Manila. At maganda ang feedback sa kanya. Nang magdala uli siya ng paninda, nagpadagdag ang mga tindahan. Mabilis daw maubos dahil masarap. Kakaiba raw sa mga nuts na nabibili ngayon.
Hanggang sa kumalat pa nang kumalat ang balita ukol sa uloy nuts. Naging usap-usapan ang kakaibang sarap. Mas masarap daw kaysa mani at kasoy ang uloy nuts. Tamang-tama at suwabe sa bibig. Hindi rin matigas kaya kahit na mga matatanda ay paborito na itong kukutin.
Iyon ang naging dahilan kaya hindi nahirapan si Dick na ialok ang uloy nuts sa mga malalaking supermarket at groceries. Napatunayan na ang kakaibang sarap nito.
Dahil sa pagiging malakas, nagdagdag pa ng produksiyon sina Dick. Dahilan din para magdagdag siya ng mga taÂuhan. Hindi na makaya ng mga tauhan ang paghahanda sa uloy nuts.
Malaking tulong naman sa mga kabarangay nila sapagkat marami ang nagkaroon ng trabaho. Ang Bgy. Villareal lamang ang tanging barangay na ang lahat ng tao ay may trabaho. Walang tambay sa Bgy. Villareal. At iyon ay dahil sa tulong ng negosyong itinayo nina Dick at Jinky. Dahil sa may mga trabaho ang mga naroon, lahat nang bata ay nagsisipag-aral.
At kahit paunlad nang paÂunlad ang pabrika ng uloy nuts, hindi rin naman pinababayaan ang itikan. Marami pa ring dumalagang itik na pinapakÂyaw. Patuloy pa rin ang neÂgosyo ng itlog at balut.
“Mahusay kang entrepreneur, Dick. Hanga talaga ako sa’yo.’’
“Nasa pag-aaral at pagpaplano lang ‘yan, Jinky.’’
“Napakahusay mo talaga. Palagay ko, uunlad pa itong uloy nuts natin. Kasi ang dami na namang order.’’
“Tanggap lang nang tanggap. Hindi naman tayo mauÂubusan dahil may uloy plantation tayo. Bago pa maubos ang bunga, may kasunod na agad.’’
Hanggang isang araw ay may tila mayamang lalaki na naging bisita sina Dick. Interesado sa uloy nuts.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending