^

Punto Mo

Bus terminals sa Maynila ‘pinakikinabangan’ na ni Isko

SUPALPAL - Non Alquitran - The Philippine Star

NAMULAKLAK sa ngayon ang mga kulay orange na tent sa mga lugar sa Maynila na kinapupuwestuhan ng illegal vendors. Sa biglang tingin, maganda ang naidulot ng orange tent sa vendors dahil may masilungan sila tuwing tag-init man o tag-araw. Proyekto kaya ni Manila Mayor Erap Estrada ang orange tent para pangalagaan ang kalusugan ng mga vendors sa parte ng Tabora, Ilaya, Blumentritt at iba pa? Subalit sa likod ng magandang tanawin na dulot ng orange tent, aba nakaismid ang vendors na nakapuwesto sa ilalim ng mga tent na ito. Napag-alaman ng mga kosa ko na ang tent pala ay binili ng vendors ng P4,000 bawat piraso. At ang may-ari ng tent ay nagbabayad din ng tig-P220 araw-araw sa mga tong kolektor, di ba kaibigang Jerry Escultor at Noli Sugay Sirs? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Para sa kaalaman ni Mayor Erap, sa halagang P220 na kinokolekta ng mga bataan ni Noel de Castro, ang resibo na inisyu nila ay halagang P20 lang. Ang explanation ng tropa ni De Castro, P80 dito ay napupunta sa Hawkers at ang iba naman ay sa “mabuting kamay” sa City Hall. Dapat paimbestigahan ni Erap ang orange tent raket na ito dahil maliwanag na taliwas ito sa slogan niya na “Erap para sa Mahirap”, di ba mga kosa? Si Erap ay nanalo dahil sa slogan n’ya na mabagsik ang dating sa mga kapuspalad nating kababayan sa Maynila, kabilang na ang vendors, subalit kabaliktaran ang gina­gawa ng mga tauhan niya. Dapat ipaaresto ni Erap si De Castro, Larry Javier, Bong Cruz at iba pa at iparada sa harap ng media para masugpo na ang orange tent raket na ang pinahihirapan ay ang mga mahihirap, na iniidolo siya. Mismo!

Halungkatin din dapat ni Erap kung sino ang nasa likod nitong orange tent na raket sa City Hall at hagupitin siya ng mas malakas pa sa hagupit ng Super Typhoon na si Yolanda para madala at tumiklop na. Hehehe! Abot n’yo ba ito mga kosa kong vendors?

At pinag-uusapan na rin ng mga kosa ko na si Vice Mayor Isko Moreno na sa ngayon ang nakikinabang sa parking at bus terminals sa Maynila. Ginamit lang ng kampo nila ni Erap ang kampanya laban sa trapik para kumita? At ang tawag ng mga kosa ko kay Moreno sa ngayon ay “Golden Buddha.” Bakit kaya? Sa pagkaalam ko kasi mga kosa, itong Golden Buddha ay tanda ng kayamanan. Itong tawag ba ng Golden Buddha ay kasing tunog ng “Higop” sa salitang kalye? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kapag malakihan pala ang lakad sa pitsa nitong kampo ni Moreno ang taga-kausap ay itong alyas Letlet. And take note, Mayor Erap Sir, dahil sa mga hotel na ginagawa ang usapan ni Letlet tungkol sa pitsa at hindi sa City Hall. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

At tungkol naman sa illegal gambling, hindi naman zero gambling ang Maynila sa ngayon at sa katunayan nagbukas na ang video karera business nila sina Buboy Go at Randy Sy. Kaya may kalaban na itong si Gina Gutierrez, na kumare ni dating Mayor Alfredo Lim sa VK operations nya. Tanungin mo Mayor Erap Sir kung may basbas ng anak mong si Jude sina Go at Sy? At ang tong kolektor sa ngayon ng opisina ni MPD director Chief Supt. Isagani Genabe at City Hall ay ang tropa ni De Castro. Abangan!

CITY HALL

DE CASTRO

ERAP

GOLDEN BUDDHA

HEHEHE

MAYNILA

MAYOR ERAP SIR

TENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with