^

Punto Mo

EDITORYAL - Bilisan ang pag-distribute ng relief goods

The Philippine Star

MAG-IISANG linggo na bukas mula nang sa­lantain ni Yolanda ang mga probinsiya sa Kabisayaan partikular ang maraming bayan sa Leyte, su­balit marami pa rin ang hindi nabibigyan ng relief goods. Maraming residente sa Tacloban (grabeng tinamaan ng Yolanda) ang halos mabaliw na sa paghahanap ng pagkain. Marami sa kanila ang nagugutom. Wala silang magawa. Patuloy silang naghihintay ng pagkain, damit at gamot pero wala umanong dumara­ting. Marami sa kanila ang nag-eevacuate na patungong Catbalogan sapagkat wala silang matirahan at makain sa Tacloban. Tumatawid ang mga tao sa San Juanico Bridge para marating ang Samar.

Bukod sa gutom na tinitiis, nagtitiis din ang mga residente sa grabeng amoy ng mga nabubulok na bangkay ng tao at hayop. Sa isang video, maraming tao ang nasa kapitolyo at doon sila nagsisiksikan habang sa tagiliran ng gusali ay naroon ang mga bangkay na hindi pa naaalis sa ilalim ng mga bumagsak na puno at bubong ng bahay.

Marami nang bansa ang nagpadala ng tulong – pagkain, gamot, damit at kung anu-ano pa – subalit mabagal naman ang pamahalaan sa pamamahagi ng mga ito. Imagine, mag-iisang linggo na mula nang mangyari ang delubyo subalit wala pang natatanggap na tulong ang mga karamihan sa mga nasa Tacloban at iba pang bayan sa Leyte. Kawawa naman sila. Ka­ilangan nila ng agarang tulong lalo ang pagkain.

Sabi ni President Aquino nang interbyuhin ng Cable News Network (CNN) kahapon, nahihirapang dalhin ang relief goods dahil sira-sira ang mga kalsada at maraming nakahambalang sa daan. Pero unti-unti na raw nakakarating ang mga tulong.

Bilisan naman sana ang pagkilos. Magkaroon naman sana ng sistema sa pamamahagi ng tulong at siguruhing makakarating sa mga kawawang biktima.

BILISAN

CABLE NEWS NETWORK

LEYTE

MARAMI

PRESIDENT AQUINO

SAN JUANICO BRIDGE

TACLOBAN

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with