^

Punto Mo

Stress(2)

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

Karugtong nang lumabas noong Lunes.

4.  Stay out of debt. Umiwas sa pangungutang. Madalas may makikilala tayong mga taong napaka-gagarbo sa buhay, iyon pala ay lunod naman pala sila sa utang. Ayaw mong ma-stress? Huwag mag-commit (gamit ang credit cards kadalasan) sa mga bagay na alam mo namang wala kang pambayad. Maging realistic sa iyong income at expenses. Huwag isaalang-alang ang iyong bulsa para lamang makibagay sa mga tao. In ka nga butas naman ang bulsa mo. Umiwas ka sa stress. Live within your means.

5.  Fear not. Ayon sa book author na si Ziglar, ang faith at fear ay may pagkakapareho. Parehong may inaasahan ka sa hinaharap. Ang kaibahan lang ay kung ano ang naa-attract mo gamit ang faith o fear. Kung takot ka, ang ina-attract mo sa buhay mo ay disaster. Kapag naman ang faith ang main driving force mo sa buhay, most likely ay magagandang bagay ang mama-magnet mo. Dapat ang focus natin ay kung ano ang gagawin, at hindi kung ano ang hindi dapat gawin. Ang takot na sumablay ay nakaaapekto nang malaki sa performance. Bago pa isilang ang bawat isa, nakalatag na kung ano ang mangyayari sa iyo at kung papaano ang magiging ending. Kung hindi ka takot mamatay, wala ka ng ibang dapat na katakutan pa. Huwag kang ma-stress sa future mo, lalo na sa mga bagay na hindi pa dumarating. Hindi man natin alam ano ang mangyayari bukas, kilala naman natin kung Sino ang may hawak  ng ating bukas.

6.  Tumawa. Ang pagtawa ay nakagagamot, nakakaganda ng abs,  nakakahawa, nakaka-relax ng muscles, nakapagpapaganda ng daloy ng dugo, at higit sa lahat ay hindi nakakataba. Dapat kaya mong tawanan ang iyong sarili.

Kung maghihintay ka bago mag-alala, kung tatayo agad matapos madapa, kung mabubuhay ka ng may integridad, kung ikaw ay walang utang, kung haharapin mo ang kinabukasan na may paniniwala at mauuna kang tumawa, siguradong stress-free zone ang buhay mo. At kung wala kang stress, mas gagaan ang takbo ng mga bagay para sa iyo.

AYAW

AYON

DAPAT

HUWAG

KAPAG

KARUGTONG

KUNG

UMIWAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with