^

Punto Mo

Lampong (465)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO nangamba si Jinky sa naisip na bagong negosyo. Gusto niyang makatiyak kung ang uloy nuts nga ang nagbibigay ng kakaibang sigla, tibay at lakas sa mga lalaking nanlulu-ngayngay ang batutoy.

‘‘Dick, sigurado ka bang ang uloy nuts nga ang nagbibigay ng lakas sa mga lala-king may erectile dysfuntion?’’

“Oo, Jinky. Ipinasuri ko ang mga buto sa bayan di ba. Sabi ng chemist, may sangkap daw ito na nagpapaluwag sa daanan ng dugo ng ari at iyon ang dahilan kaya sumisigla si Batutoy.’’

“Pero bakit ang itik ang tila lumalabas na nagdu-dulot ng mahiwagang gamot?’’

“Kasi nga, ang mga uloy nuts ang ipinatutuka ko sa mga dumalagang itik. Kaya sinumang lalaki ang kumain ng itik na nakakain ng buto ng uloy, nagkakaroon nang hindi maipaliwanag na lakas at tibay sa pakikipagtalik.’’

“I see. Nakuha ko na Dick. So talaga palang dapat ay sa uloy nuts tayo mag-concentrate dahil dito nanggagaling ang wonderful drug.”

“Yup! Tama ka, Jinky.’’

“Paano ang imbensiyon ng kaibigan mong putik na si Rey?’’

“Malaki ang problema niya, Jinky. Wala na siyang itik na makukunan. Mapuputol na ang kanyang negosyo. Tiyak na iiwanan na siya ng drug company.’’

“Baka makaisip siya nang paraan.’’

“Imposible yun. Ta­­ nging sa uloy lang nang­gagaling ang lakas.’’

“Dapat pala, mag-umpisa na tayong magtanim nang maraming uloy. Maaaring dito tayo uunlad nang husto.’’

“Magpapatanim na ako ng uloy, Jinky. Na-research ko, mas maganda itong itanim sa tabing sapa. Gusto niya sa malamig na lugar. Kaya ang balak ko, lahat ng pampang ng sapa ay patataniman ko. Mahahadlangan din natin ang pagbaha.’’

“Sige Dick. Mas maganda siguro kong bumili pa tayo ng lupa at pataniman natin nang maraming uloy.’’

‘‘Aprub!’’

Ganoon nga ang ginawa nila. Binili nila ang katabing lupa. At saka pinataniman nila nang maraming uloy. Napuno ng uloy ang lupain.

Hanggang sa dumating ang pamumunga ng uloy. Napakaraming bunga. Ba­wat sanga ay may bunga.

Nang mahinog ang mga bunga ay lalo nang natuwa sina Dick at Mulong. Marami silang aanihin. Tagumpay ang kanilang pagtatanim.

“Tiyak na marami tayong maha-harvest, Mulong.’’

“Oo nga Ninong. Palagay ko, yayaman na talaga tayo.’’ (Itutuloy)

 

APRUB

JINKY

KAYA

MULONG

NANG

OO

SIGE DICK

TIYAK

ULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with