48-Anyos na lalaki, naniniwala na siya ay isang aso
MALAKI ang paniwala ni Gary Matthews, 48, ng Pitthsburg na isa siyang aso. Ito ang dahilan kaya lagi siyang naka-costume. Malaking oras ang ini-spend ni Matthews sa pagsusuot ng dog costume. Ang taÂwag sa kanya ay si “Boomer’’ na hango sa isang TV shows noong 1979 hanggang 1982.
Isang retired technology worker si Matthews. Ayon sa kanya, matagal na siyang fan ng mga aso kaya ginagaya niya ang mga ito. Marunong siyang mag-behave.
Bukod sa dog costume, lagi ring may kolyar si Matthews. Gawa sa shredded paper ang kanyang costume. Madalas matagpuan si Matthews sa mga mataong lugar. Tinatahulan niya ang mga nagdaraang sasakyan ganundin ang mga taong may ginagawa sa kalsada.
Madalas din siyang magtungo sa mga festivals sapagkat gusto ng mga bata ang dog costume niya.
Ayon pa kay Matthews, magkaminsan ay dog food ang kanyang kinakain at sa bowl na kinakainan ng aso siya kumakain. Ginagawa raw niya iyon para ma-feel ang tunay na kalagayan ng isang aso.
Sa kabila raw na ang tingin niya sa sarili ay aso, kumakain pa rin siya ng pagkaing tao gaya ng pizza.
- Latest