^

Punto Mo

Lampong (464)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG pinagmamasdan ni Dick ang mga puting tableta ng PENISITIK ay hindi rin niya maiwasang ma­kadama ng pagkainis kay Rey. Kahit pa sinabi niya kay Mulong na hayaan na lamang kung ano ang masamang ginawa ni Rey, hindi niya maiwasang magalit. Nanga­ko kasi sa kanya si Rey at pagkatapos ay sinolo lang ang tagumpay sa gamot. Siguro’y malaking pera – baka milyon o bilyon ang binayad sa kanya ng pharmaceutical company na pinagbentahan ng “mahiwagang gamot” mula sa itik.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang lumabas si Jinky at nakita ang hawak niyang bottle ng PENISITIK. Huli na para maitago kay Jinky.

‘‘Ano yan, Dick?’’

“Ha e eto yung naimbento ni Pareng Rey, yung gamot para hindi lumungayngay si batutoy.’’

Iniabot niya ang bottle na may gamot. Binasa ni Jinky ang pangalan.

“PENISITIK. Gamot sa erectile dysfunction?’’

“Oo.’’

Ikinuwento niya na si Rey na lamang ang nagtatamasa ng biyaya mula sa “mahiwagang gamot” na hatid ng itik.

“Pero di ba mayroon kang sinabi sa akin na parang mag-hahati kayo kapag natuklasan na niya ang gamot. Mga itik mo ang ginawa niyang experiment di ba?”

“Oo. Marami nga siyang dinalang dumalaga.’’

“Pero bakit siya lang ang nagsolo sa gamot na ito?”

“Siyempre dahil sa pera. Sinisira ng pera ang pagkakaibigan, Jinky.”

“Wala siyang kuwentang kaibigan.’’

“Hayaan mo na nga lang, Jinky.’’

“Pero dapat mag-file ka ng protest sa pharma company. Sabihin mo ikaw ang original na nakatuklas ng gamot sa erectile dysfunction.’’

“Huwag na, Jinky. Dara-ting ang araw na lalapit sa atin si Rey. Siya naman ang magmamakaawa sa akin.’’

“Bakit naman, Dick?”

“Tungkol sa mahiwagang nuts na kinakain ng mga itik kaya may masarap na karne at nakapagdudulot ng sigla sa pakikipagtalik.’’

“Yan ba yung uloy nuts?”

“Yes. Walang ibang ma­kapagbibigay ng sigla sa pag­kakalaki kundi ang uloy nuts.”

“E di ang uloy nuts naman ang ating gawing negosyo. Baka pumatok yan kaysa PENISITIK.’’

“Iyan nga ang gagawin natin, Jinky. Gagawa tayo ng iba’t ibang flavor ng uloy nuts.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BAKIT

BINASA

DARA

GAMOT

JINKY

OO

PARENG REY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with