EDITORYAL - Seguridad sa whistleblowers
MAS mahalaga ang whistleblowers kaysa mismong “utak†ng P10-bilyong pork barrel na si Janet Lim Napoles. Kapag nawala ang whistleblo-wers, tiyak hihina ang kaso at maaaring mapawalang sala si Napoles. Kapag nawala ang whistleblowers, wala nang kokontra sa mga pagtanggi ni Napoles. Kaya nararapat ingatan ang whistleblowers. Huwag silang pababayaan.
Nang magkaroon ng hearing noong Huwebes, bawat pagtanggi ni Napoles na may kinalaman siya sa pork barrel scam ay kinokontra ni main whistleblower Benhur Luy. Lahat nang mga hindi maalala ni Napoles ay inisa-isang inilahad ni Benhur. Bukod kay Benhur, lima pang whistleblowers ang nagpatunay na may kinalaman si Napoles sa scam.
Mas mahalaga ang whistleblowers sapagkat sila ang magpapatunay ng mga masasamang nangyari habang nag-ooperate ang mga pekeng non-government organizations (NGOs) na ang gumawa rin ay si Napoles. Pinatotohanan ito nina Benhur, Merlina Suñas, Gertrudes Luy, Arlene Baltazar, Marina Sula at Simonette Briones. Sabi ng whistleblowers, nagsisinungaling si Napoles.
Sabi ni Sen. Miriam Defensor Santiago, maaari raw patayin si Napoles kaya pinayuhan ito na magsabi na ng mga nalalaman. Kapag daw nasabi na ni Napoles ang lahat wala na siyang dapat ikatakot. Pero sa kabila ng payo ni Santiago, matigas pa rin ang paninindigan ni Napoles. Ayaw niyang magsalita. Wala raw siyang alam. Inosente raw siya.
Huwag pababayaan ang whistleblowers. Mara-mi silang alam ukol kay Napoles at mga mambabatas na sangkot. Kapag nawala sila, sayang ang pagpu-pursige sa kaso. Desperado na ang mga taong sangkot sa scam at gagawin ang lahat para matigil ang imbestigasyon. Maaari nilang ipapatay ang mga whistleblowers gaya rin ng sinasabi ni Sen. Santiago na maaaring patayin si Napoles.
- Latest