^

Punto Mo

Lampong (463)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

K AHIT merong itik si Rey kung wala namang uloy nuts na natutuka, balewala rin ang imbensiyon. Ang uloy nuts ang nagpapasigla sa pagkalalaki at hindi mismo ang itik. Iyon ang isang pagkakamali ni Rey, akala niya basta karneng itik, iyon na ang “mahiwagang gamot”.

Kinausap niya si Mulong na huwag munang ma­ikukuwento kahit kanino, kahit kay Tina ang tungkol sa ginawa ni Rey na pag-angkin sa gamot na original ay siya ang nakatuklas.

“Oo Ninong. Wala akong pagsasabihan. E kay Ninang Jinky, sasabihin mo ba ang tungkol dun.”

“Hindi. Pero baka ma­­laman na rin niya dahil tiyak­ na nasa google na’yan. Baka naka-post na sa facebook at kung anu-ano pa.’’

“Nanggigigil talaga ako Ninong kay Pareng Rey mo. Sana naman, isinama ka niya dahil kung hindi sa’yo hindi matutuklasan ang “miracle drug” mula sa itik.’’

“Hayaan mo na si Rey, Mulong. Malay mo baka tayo naman ang suwertehin sa susunod.’’

“Ang uloy nuts ang pa­unlarin natin, Ninong.’’

“Yan din ang naiisip ko, Mulong. Sa pinanggaga­lingan ng power tayo mag-concentrate.’’

“Kailangan, magtanim tayo nang maraming uloy, Ninong.’’

“Iyan ang gagawin natin, Mulong. Kapag marami na tayong puno ng uloy ma­giging dalawa ang ating pagkukunan ng ikabubuhay. At malay mo, dito na tayo yumaman.”

“Malaki ang posibilidad, Ninong. At kapag mayaman na tayo, tiyak ko, lalapit muli sa atin si Pareng Rey mo. Lalapit siya dahil wala nang bisa ang naimbento niya mismo. Wala nang maniniwala sa kanya. Aakusahan pa siya ng pharma company na nanloko. Baka ikulong pa siya.

“Tama ka Mulong. Dapat ay sa uloy nuts tayo mag-concentrate.’’

“Bukas, ay magpapa­hanap na ako ng mga suwi ng uloy na maaari nating itanim.’’

“Sige Mulong.”

 

MAKALIPAS ang isang linggo, nabasa ni Dick ang advertisement sa gamot na naimbento umano ni Rey --- ang PENISITIK. Nakasaad ang husay ng gamot. Talagang epektibo at wala pang side effect. Mabibili ang PENISITIK sa mga leading drugstore.

Naghanap si Dick ng PENISITIK sa isang bo­tika. Nakakita siya. Tinanong niya kung may PENISITIK. Meron daw. Pero bottle daw ito. Thirty pieces ang laman. Ang presyo, P1,000 per bottle.

Bumili si Dick. Nai­intriga siya sa PENISITIK.

Pagdating sa bahay ay sinuri niya ang PENI­SITIK. Kulay puti ang tab­leta. Sugar coated ito.

(Itutuloy)

vuukle comment

MULONG

NINANG JINKY

NINONG

NIYA

OO NINONG

PARENG REY

PERO

REY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with