Ang 2 imbentor na namatay dahil sa kanilang naimbento
William Bullock — Isa siyang Amerikano. Malaki ang utang na loob ng printing industry kay Bullock. Noong 1863, naimbento niya ang web rotary printing press. Sa kanyang naimbento nagsimula ang pag-revolutionize ng printing industry. Nagawa niyang mabilis ang pag-imprenta.
Noong Abril 3, 1867, habang nagsasagawa ng adjustments sa isa sa mga bagong printing presses, sinipa niya ang driving belt na patungo sa pulley. Subalit sa pagsipa, nahuli ng makina ang kanyang binti at nadurog iyon. Makalipas ang ilang araw, nagkaroon iyong ng gangrene.
Noong Abril 12, 1867, namatay si Bullock sa Pittsburgh, Pennsylvania habang inooperahan para putulin ang kanyang binti.
Otto Lilienthal – Isang German na pioneer sa aviation. Noong Agosto 10, 1896, tinitesting ni Lilienthal ang kanyang naimbentong hang gliders sa Rhinow Hills sa Germany.
Tagumpay ang kanyang unang flight testing. Nakalipad siya ng 250 meters. Tagumpay din ang ikalawa at ikatlong flight. Masayang-masaya si Lilienthal.
Hanggang sa subukan uli niya na lumipad sa ikaapat na pagkakataon.
Subalit habang nasa ere, nagkaroon ng aberya ang glider. Sinubukan niyang i-swing ang katawan para maitama ang attitude ng glider.
Subali’t hindi na niya maigalaw ang glider at tuluy-tuloy siyang bumulusok sa taas na 15 meters. Hindi niya magawang makahiwalay sa glider.
Nabali ang gulugod ni Lilienthal at nawalan siya ng malay. Makalipas ang 36 na oras, namatay si Lilienthal.
- Latest