^

Punto Mo

Lampong (458)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG sarap tala­ga ng fried itik. Ngayon ko lang talaga naa-appreciate ang linamnam ng itik. Bakit kaya nga-yon ko lang nalaman na napakasarap pala nito,” sabi ni Jinky na walang tigil sa pagkain ng itik na niluto ni Dick.

“Masarap kasi ang pagkakaluto ko kaya sarap na sarap ka Jinky.’’

‘‘Palagay ko nga Dick. Bagay na bagay sa kanin ang fried itik. Kusang humihiwalay sa buto ang laman. Paano ang ginawa mong   pagluto rito, Dick?’’

“Secret! Ako lang dapat ang makaalam. Kapag sinabi ko, marami nang gagaya. Hayaan nating tumuklas sila ng sarili nila.’’

“Kasi kakaiba ang pagkakaluto mo. Tingnan mo itong kinain ko at halos buto na lang ang natira. Walang natirang laman. Kaya tala­gang sarap na sarap ako, Dick.’’

‘‘Pero baka ka tumaba kapag puro itik nang itik ang kinain mo, Jinky.’’

‘‘Hindi naman siguro, Dick. E sa talagang sarap na sarap ako.’’

‘‘Okey, sige, kumain ka lang nang kumain. Sasarapan ko pa ang luto.’’

‘‘Salamat Dick. Napakamaunawain mo.’’

‘‘Kaya lang mayroon akong kinatatakutan, Jinky.’’

‘‘Ano yun?’’

‘‘Hindi kaya dahil sa sobra mong pagkagusto sa itik ay maapektuhan ang anak natin.’’

Nagtawa si Jinky.

“Hindi totoo yun, Dick.’’

“Kasi mayroon akong nabalitaan na naglihi raw sa palaka kaya nang lumabas ay mukha ring palaka.’’

“E kasi baka yun ang lagi nilang iniisip.’’

“Iyon naman ay nasasa-bi ko lang Jinky. Hin­di naman talaga ako naniniwa-la sa mga ganyan. Basta, isipin ko lang magkaka­anak tayo nang maganda o kaya’y pogi.’’

“Iyan ang dapat, Dick!”

 

DUMATING ang pa-nganganak ni Jinky. Gabi nang isugod sa ospital. Alalang-alala si Dick sapagkat dumadaing sa sakit si Jinky. Parang hirap na hirap ito. Parang ang laki ng nasa sinapupunan ni Jinky.

(Itutuloy)

ALALANG

DICK

ITIK

JINKY

KASI

KAYA

LANG

SALAMAT DICK

SARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with