^

Punto Mo

Ina, 3 beses nanganak ng kambal

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

AYON sa mga eksperto, kapag daw ang isang ina ay nanganak ng kambal sa unang pagkakataon, ang chance na manganak sa ikalawang pagkakataon ay 500,000-1. Mahirap na umanong mangyari na manganak na uli ng kambal.

Pero ang teorya ng mga eksperto ay sinira ng inang si Karen Rodger, 41, ng Glasgow, Scotland. Hindi lang sa ikalawang beses nanganak ng kambal si Karen kundi pati sa ikatlong pagkakataon. Kaya lahat-lahat meron nang anim na anak si Karen at asawang si Colin, 44.

Ang unang anak nina Karen at Colin ay ang kambal na sina Lewis at Kyle na pawang 14 years old at sina Finn at Jude, 12 years old. Apat na lalaki na pawang malulusog at matatalino.

Ang akala ng mag-asawa ang ikatlong pagbubuntis ay hindi na kambal pero nagkamali sila sapagkat noong nakaraang Mayo 2013, kambal na naman ang isinilang ni Karen sa Southern General Hospital sa Glasgow.

Pero sa pagkakataong ito, parehong babae ang isinilang ni Karen. Hindi identical ang dalawang bagong silang. Pinangalanan nila ang mga ito na Rowan at Isla. Unang isinilang si Rowan na may timbang na 5 lbs. at sumunod si Isla na 6 lbs. (www.oddee.com.)

vuukle comment

APAT

ISLA

KAREN

KAREN RODGER

KAYA

MAHIRAP

PERO

PINANGALANAN

SOUTHERN GENERAL HOSPITAL

UNANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with