^

Punto Mo

Sardinas panlaban sa global warming

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA)PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Hindi lang pala panlaban sa gutom ang sardinas. Panlaban din pala ang mga isdang ito sa global warming (iyong problema sa pag-init ng Daigdig na nagpapabago at nagpapaabnormal sa klima ng panahon).  Sa isang pag-aaral nina Dr.  Andrew Bakun ng University of Miami (United States) at Dr. Scarla J. Weeks ng University of Cape Town (South Africa), sinasabing kinakain ng mga sardines ang isang klase ng maliliit na halaman sa karagatan na tinatawag na ocean phytoplankton.  Kapag daw nangongonti ang sardines, dumarami ang phytoplankton, nabubulok at naglalabas ng mga kemikal na methane at hydrogen sulfide na umaakyat naman palabas ng tubig at kumakalat sa himpapawirin.  Katulad daw ng sa nabubulok na itlog ang amoy ng hydrogen sulfide at inaalisan nito ng oxygen ang tubig habang pumapailanlang sa himpapawirin.  Ang methane naman ay umiipit ng init sa kapaligiran.  Kaya, habang nangongonti ang sardines sa karagatan, dumarami ang naturang kemikal na sumasabog at nagpapadagdag ng init sa kapaligiran.

• • • • • •

Sa  laboratoryo ng University of  South Carolina, isang koleksyon ng mga daga ang nilalasing ng mga researcher dito para sa kanilang eksperimento na tumutukoy kung paano kinukumpuni ng utak ang sarili nito matapos makatungga ng alak ang isang manginginom.  Layunin din ng eksperimentong ito kung paano matutulungan ang mga lasenggo na maibalik sa normal ang kanilang pag-iisip.

• • • • • •

Isang comfort room o banyo na may sariling “utak” ang nalikha ng isang grupo ng mga researcher ng Technical University ng Vienna, Austria.  Ang CR na ito ay makakatulong umano sa mga merong sakit na multiple sclerosis at yaong may mga kapansanan. May mga hand rail ang CR na maaa-ring umalalay sa mga may kapansanan tulad ng lumpo at bulag. Ang inidoro naman umano ay tumataas o bumababa depende sa pangangailangan ng gumagamit nito at kusa itong nagpa-flush matapos gamitin.

ANDREW BAKUN

DR. SCARLA J

SOUTH AFRICA

SOUTH CAROLINA

TECHNICAL UNIVERSITY

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with