Lampong (455)
PANAHON ng paghinog ng mga bunga ng uloy. Halos mapuno ng bunga ang mga puno ng uloy na nasa loob mismo ng kulungan ng mga dumalaga. May dalawa hanggang tatlong puno ng uloy sa bawat kulungan ng itik. Mahigit isang ektarya ang sukat ng mga kuluÂngan ng dumalaga. Naka-separate sila sa mga sisiw pa lamang. Kapag ubra nang ibenta ang mga dumalaga ay ililipat na sa mas malaking kulungan.
Nakita nina Dick at Mulong ang mga bumagsak na bunga ng uloy sa damuhan. Pawang mga dilaw na bunga ang nakalatag sa lilim ng puno.
“Ang daming buto, Ninong. Hindi na tayo mahihirapang kunin ang mga buto dahil nakahiwalay na sa lamukot.’’
“Marami tayong makokolektang buto ng uloy, Mulong.’’
Sinimulan nilang kolektahin ang mga buto ng uloy. Pulot lang sila nang pulot.
Wala pang kalahating oras na namumulot ng buto ay kalahating timba na ang nakolekta nila.
“Ang dami Ninong!â€
“Huhugasan muna nating mabuti ang mga buto. Ibibilad natin sa araw at kapag tuyung-tuyo na, isasangag natin na parang mani.â€
“Sasamahan natin ng bawang, Ninong?â€
“Oo para mabango.’’
Nang mapuno nila ang timba ay umuwi na sila.
Hinugasan ang mga buto ng uloy at pinatuyo sa araw. Kinabukasan, isinangag na ang mga buto.
Ang bango habang naluluto. Mas mabango pa kaysa mani.
Nang maluto, tinikman ng dalawa.
“Ang sarap, Ninong!â€
“Oo nga Mulong.’’
Kumain sila nang kumain ng sinangag na uloy. NapaÂkatamis. Walang kapareha sa sarap. Pinaka-masarap na nuts.
At mas lalo silang huÂmanga sa epekto ng uloy kinabukasan.
“Mas epektib, Mulong kung kakainin nang direkta ang uloy. Suwabeng-suwabe!â€
“Oo nga Ninong. Parang walang pagod at pagkasawa si batutoy.’’
“Huwag mo munang ikukuwento sa iba, Mulong. Tayong dalawa lang ang nakaaalam nito.
MAKALIPAS ang ilang araw, napansin ni Dick na laging nagsusuka si Jinky. Laging nasa may lababo at nakasubsob doon.
Hindi mapakali si Dick.
“Dadalhin kita sa ospital, Jinky.’’
“Sige, Dick.’’
“Nangangamba ako at baka kung ano na ’yan.â€
(Itutuloy)
- Latest