Lampong (452)
“U LITIN natin, Jinky, puwede?†sabi ni Dick na nakikiusap sa asawaÂ. Ang ritwal ang ibig sabihin ni Dick. Katulad nang ginawa nila kanina. Gusto ni Dick na testingin muli ang husay ng InasaÂlitik sa kanyang pagkakalalaki.
“Oo naman, Dick. Ngayon pa ba na solb na ang problema mo este natin pala. Sige ulitin natin. Gusto mo, wala nang labasan sa kuwarto, he-he!’’
“Kung yun ang gusto mo Jinky, masusunod. Dyinggel lang ang pahinga, he-he!â€
Ginawa nina Dick at Jinky ang ritwal. Kapwa sabik. Hindi nila inaksaya ang panahon. Talagang nagmahalan sila nang todo. Walang preno-preno. IpinaÂlasap ni Dick ang sarap ng pagmamahal. Bumawi siya.
Isa pa, gusto na ni Dick na magkaanak sila ni Jinky. Kailangang apurahin na niya sapagkat nagkakaedad na rin silang dalawa. Sisiguruhin ni Dick na magkakaroon na ng bunga ang kanilang pagmamahalan.
Nang matapos ang ritwal ay walang kapantay na kaligayahan ang nadama nina Dick at Jinky. Nakatulog silang pareho na matatamis ang mga ngiti sa labi.
KINABUKASAN, hindi na nakatiis si Dick na hindi ikuwento kay Mulong ang nangyari sa kanyang pagbabago. Kahit pa sinabi ni Pareng Rey na huwag munang ikuwento ay hindi na siya nakapagpigil. Sinabi niyang solb na ang problema.
“Anong ginawa mo, Ninong Dick at na-solb ang problema?â€
“Itik lang Mulong. Ang masarap na karne ng itik ang nagbigay ng sigla kay batutoy. Tinesting ko na at talagang walang katinag-tinag. Matikas na matikas, Mulong, ha-ha-ha!â€
“Mabuti naman at solb na ang problema. Masaya rin ako dahil maligaya ka na Ninong.â€
“Salamat Mulong. Ang gusto ko lang matuklasan ngayon ay kung anong part ng itik ang nagbigay sigla kay batutoy.â€
“Tulungan kitang saliksikin, Ninong…â€
(Itutuloy)
- Latest