^

Punto Mo

Ang kuwentong kasinungalingan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAPANSIN ng preacher na madalas magtukatok sa sobrang antok ang mga tao tuwing nagba-Bible reading sila. Saglit siyang nag-isip kung paano gigisingin ang mga nagtutukatok. Binago niya ang tono ng kanyang boses at nagsimulang magkuwento:

“Pumasok ako sa madilim na bahay upang tingnan ang pinanggagalingan ng kaluskos. Nagulat ako na isang babaeng walang saplot ang tumambad sa akin. Parang pamilyar ang mukha ng babae. Inisip ko kung saan ko siya huling  nakita. Unti-unti ko nang naaalaala… nang tumingin ito nang matalim sa akin. Habang nakakatitig sa akin ay unti-unting lumabas ang pangil sa kanyang bibig kasabay ng pagtubo ng sungay sa kanyang ulo… nanginig ako at kumaripas ng takbo!”

Sa puntong iyon ay biglang nawala ang antok ng mga tao. Nakatutok lahat ang taynga at mata ng mga ito sa preacher. Sabay-sabay na nagtanong ang mga tao: “Ano ho ang sumunod na nangyari? Sino ang babaing may pangil at sungay­? Sige na, kuwento pa kayo!” Pinutakte ng tanong ang preacher kaya hindi ito nakatiis at nagsalita.

“Okey din kayo ano? Kapag katotohanan ang sinasabi ko sa inyo ay ina­antok kayo pero kapag kasinungalingan ay gising na gising kayo with matching tanong pa!”

ANO

BINAGO

HABANG

INISIP

KAPAG

NAGULAT

NAKATUTOK

PINUTAKTE

PUMASOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with