^

Punto Mo

Lampong (451)

Ronnie M. Halos - Banat

HABANG tuwang-tu­wang nakatingin si Dick sa naglalampungang itik ay bigla siyang nakadama na parang may pagbabago sa kanyang katawan. Dahil kaya iyon sa nilantakan niyang crispy itik nitong mga nakaraang araw? Natatandaan niya, napakaraming itik siyang nakain. Iyon ay mula nang ipagtapat ni Pareng Rey ang magandang resulta ng itik sa kanyang katawan. Sumigla raw si Rey. Ang dating lungayngay na si batutoy ay biglang nagkaroon ng buhay.

At ngayon nga, mukhang ganoon na rin ang pakiramdam niya. Masigla siya. Parang gusto niyang patunayan kay Jinky na umepekto na ang bisa ng itik sa kanyang pagkalalaki.

May naisip si Dick. Bakit hindi na niya subukan nga-yon.

Nagpaalam siya kay Mu­long na uuwi muna ng bahay.

“May nakalimutan akong sabihin kay Jinky, Mulong. Bahala ka na muna rito ha.’’

“Babalik ka pa rito, Ninong Dick?’’

“Baka hindi na.’’

“Paano kung may duma-ting na mamamakyaw?’’

“Bahala ka na. Kabisado mo na naman yan di ba?’’

“Sige.’’

Umalis na si Dick.

Nang dumating siya sa bahay ay abala si Jinky sa laptop. Nilapitan niya at binulu-ngan. Napangiti si Jinky.

‘‘Talaga, Dick?’’

‘‘Oo. Kaya, mag-shower ka na.’’

Napahagalpak si Jinky.

Pero tumalima rin ito pag­­katapos. Sabay silang nag-shower.

Pagkatapos ay isinagawa na nila ang ritwal. Walang sinayang na panahon. Pakiramdam ni Dick ay malakas na malakas siya at matikas na matikas. Kakaiba ang nararamdaman niya.

At napatunayan nga  niya ang bisa ng itik. Tala-gang napaka-epektibo. Ma­lakas na malakas. Ibang kla­ se.

Nang matapos ang ritwal, nakangiti si Jinky. Kakaibang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. Pagkaraan nang matagal-tagal ding panahon ay nanumbalik ang sigla.

‘‘I love you, Dick.’’

‘‘I love you too.’’

At may ibinulong kay Jinky.

Napahagalpak si Jinky.

 

(Itutuloy)

vuukle comment

BABALIK

BAHALA

BAKIT

DICK

JINKY

NANG

NAPAHAGALPAK

NINONG DICK

PARENG REY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with