^

Punto Mo

Lampong (443)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, may mga dumating na naman na mamamakyaw ng itik kina Dick. Ang kanilang mga dumalaga na umaabot sa 1,000 ay naubos lahat. Hindi na tumawad ang mga namakyaw. Kung ano ang presyo nina Dick ay hindi na tumawad ang buyer. Cash ang binayad. Malaking pera ang kinita nina Dick ng araw na iyon. Biglang dumating ang pera sa kanila.

“May bertud ka yata, Mulong. E biglang naubos ang ating mga dumalaga. Eto at limpak ang kinita natin,’’ sabi ni Dick at tinapik-tapik si Mulong sa balikat.

‘‘Ikaw ang may bertud Dick. Kasi hindi naman babalikan ang itik natin kung hindi sila satisfied sa karne. E lahat nang makausap ko, nagsasabing napakasarap ng itik natin. Juicy at napakalambot ng laman.’’

“’Yan ang sekreto natin, ha-ha-ha!’’

“Yung pumakyaw sa atin ngayon, nakikiusap na sa kanya na lang uli natin ibenta ang second batch ng mga dumalaga.’’

“Talagang naniniguro ha?’’

“Nag-iiwan nga ng kalahating downpayment pero hindi ako pumayag. Paano kung may mangyari at hindi niya nakuha ang itik e di magre-refund pa tayo. At saka paano kung tumaas ang presyo, di lugi tayo. Sabi ko kung sinong mauna rito dun ibebenta.’’

“Saan ba dinadala ang mga itik?’’

“Sa Ongpin. May sikat na Chinese restaurant daw doon   na ang specialty ay roasted Peking duck. E nagmahal na pala ang Peking duck na ina­ang­kat pa sa China kaya itong itik natin ang ginagamit. At natuklasan na mas masarap pa kaysa Peking duck. Pawang mga matatandang lalaking Chinese ang customer dun. Talagang gustung-gusto nila ang itik natin. Sumisigla raw ang mga matatandang lalaki, he-he-he!’’

“Talagang sarap na sarap sila ha?’’

Maya-maya nagseryoso si Mulong.

‘‘Dick mamayang gabi  ay may sasabihin kami ni Tina sa iyo at pati kay Jinky.’’

‘‘Tungkol saan?’’

‘‘Basta mamaya na.’’

 

KINAGABIHAN, may sinabi nga ang dalawa kay Dick. Magpapakasal na raw sila.

“Mahal na mahal ko si Tina, Dick. Gusto namin magpakasal na.’’

‘‘Aba kailangan e magarbo ang kasal. Sige, kailan n’yo gusto?’’

“Next month na Dick.’’

“Aprub!”

(Itutuloy)

 

APRUB

DICK

ITIK

MULONG

NATIN

SA ONGPIN

TALAGANG

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->