Hayan, lagi kasing late’
SIYA ay sikat na pulitiko. Palibhasa ay simpatico, maboladas at napakagaling ng PR, lahat yata ng tao, bata o matanda sa kanilang lugar ay kaibigan niya. Kaya lang ay may masama siyang ugali, iyon ay ang pagiging “late†dumating sa mga appointment. Ugali na niyang paghintayin ang mga tao. Hindi niya iginagalang ang oras ng ibang tao. Walang makapagsabi kung sinasadya ba niya ito para laging dramatic entrance ang dating niya o sadyang mahina lang siya sa time management.
Isang araw ay naimbitahan ang sikat na pulitiko na magbigay ng farewell speech sa dinner party ng kanilang parish priest, si Father Louie, na magreretiro na pagkaraan ng 25 years na paglilingkod sa kanilang parokya. As usual, isang oras nang nagsimula ang dinner party ay hindi pa dumarating ang pulitiko kaya naisipan ng emcee ng programa na interbyuhin muna si Father Louie. Tinawag niya ang pari sa stage at tinanong kung ano ang hindi makakalimutang experience bilang pari sa kanilang parokya. Saglit na nag-isip ang pari at ito ang naikuwento niya:
“Ang hindi ko makakalimutan ay ang taong kauna-unahang nagkumpisal sa akin habang naghihintay ako ng mga mangungumpisal sa confession box. Of course, nasa loob ako ng confession box kaya hindi ko alam kung sino siya magpahanggang ngayon. Ipinagtapat niyang may venereal disease siya; na pinagnanakawan niya ang kanyang mga magulang para ipambili ng drugs at ang ikina-shock ko sa lahat ay nang ikinumpisal niyang nagalaw niya ang kanyang pinsan habang high sa drugs…â€
Magsasalita pa sana si Father Louie nang biglang dumating ang sikat na pulitiko na laging “late†dumating. Bumalik ang pari sa puwestong inilaan sa kanya at sinimulan na ang programa. Matapos ipakilala ng emcee ang pulitiko ay umakyat ito sa stage at inumpisahan ang kanyang speech:
“Hindi ko makakalimutan ang unang araw na dumating dito sa ating parokya si Father Louie. Ako kasi ang pinakaunang parishioner na nangumpisal sa kanya. Sure ako, dahil pagkatapos kong mangumpisal ay sinabi niyang: Always remember, ikaw ang pinakaunang tao na nakapagkumpisal sa aking first day dito sa ating simbahan.â€
Nagtaasan ang kilay ng mga bisita at sabay-sabay na nagngisian. Alam na nila kung sino ang nasa kuwento ng pari kanina. Kung ang pulitiko ay laging maagang dumating sa mga appointments, hindi sana nabisto ang kanyang madilim na kahapon.
- Latest