^

Punto Mo

Bawiin, bonus ng SSS officials!

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

KUNG ayaw isoli, makabubuting bawiin ang milyong pisong bonus ng mga opisyal ng SSS. Garapalan at malinaw na pag-abuso sa pera ng mga mi­yembro. Batay sa pagsusuri, hindi naman nasunod ng pamunuan ng SSS ang mga panuntunan ng batas para maging kuwalipikado sa insentibo. Silipin din ang napakalaking allowances na aabot sa 40,000 kada board meeting at 20,000 kada committee meeting.

Hindi dapat ipagmalaki ni SSS President Emilio de Quiroz na kumita ng P36 billion ang SSS. Kung kumita ng bilyon bakit kailangang itaas ang kontribusyon?

Hindi karapat-dapat makatanggap ng bonus ang mga opisyal ng SSS. Hindi nila nareresolba ang napakaraming reklamo ng mga miyembro na araw-araw ay may transaksiyon sa SSS. Iimbestigahan daw ng Kongreso ang bonus ng SSS officials.

Dapat pagpaliwanagin ang governance commission for government-owned and controlled corporations na nag-apruba ng bonus ng SSS officials. Kung nakalusot ang SSS, asahan natin na ganito rin ang mangyayari sa iba pang GOCC’s  para makakuha nang napakalaking bonus.

Hindi napapanahon ang mga bonus dahil maraming miyembro at pensiyonado ang naghihikahos. Galit na ang taumbayan sa paglustay sa kanilang pera kaya dapat sinupin ang pondo nito.

Hindi na maitago ang galit ng taumbayan dahil na rin sa mga alegasyong paglulustay ng mga senador at kongresista sa kanilang PDAF at DAP.

Kung naghihirap ang mamamayan, dapat makisimpatya ang mga opisyal ng gobyerno para sa interes ng sambayanan.

 

vuukle comment

BATAY

BONUS

DAPAT

GALIT

GARAPALAN

PRESIDENT EMILIO

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with