Pagwawakas
MATATAPOS na mamayang gabi ang My Husband’s Lover. Napakabilis ng panahon at mga pangyayari. Napakaraming naging bagong kaibigan. Mga bagong karakter na inabangan at minahal. Mga taong kinakitaan natin ng sarili.
Pinangungunahan ng TomDen – si Vincent at Eric – kumaÂkatawan sa mga bading sa lipunang napakatinding magmahal, na kahit pinaglayo na ng tadhana ay tadhana rin ang gumagawa ng paraan upang muli silang magkita. Na hindi rin kaiba sa heterosexuals na sa tindi ng nararamdaman para sa isang tao ay sinisikap na labanan ito.
Si Lally ang ulirang ina at butihing may bahay ni Vincent – isang dakilang kapareha sa buhay na prinotektahan at pinagtakpan ang asawa sa mata ng pamilya at mga anak nito.
Sila Hannah at Diego, mga matatalino at mature na mga batang nagbibigay ng emotional support sa kanilang mga magulang at malawak ang pag-iisip na tanggapin ang realidad ng buhay sa napakamurang edad.
Sila Elaine at Armando – mga magulang na naging malupit sa kanilang anak, at one point naging maramot sa pag-intindi ngunit sa bandang huli ay mapagtatanto ang kanilang pagkakamali sa anak.
Si Sol o Sinag, ang mapagmahal na ina ni Eric, na nagpakita na ang Ina ay mamahalin at tatanggapin ang anak ano man ang sexual preference at orientation. She showed the real essence of unconditional parental love.
Si Paul, the beautiful stranger. Ipinakita niya na sa buhay ay mayroong nakikilalang mga estranghero at mas magaan pa nating ihinga sa kanila ang mga saloobin kaysa sa bestfriends natin. Na may mga taong hindi man tayo ganoon kakilala ay hindi tayo huhusgahan.
Si Danny, ang liberated gay best friend ni Eric. Totoo sa kanyang sarili at mapagmahal sa pamilya. Hindi kinalilimutan ang responsibilidad sa ina. Ipinakita niyang hindi lahat ng bading ay nilulustay ang pera sa lalaki, at kaya ring humanap ng bading ng tunay na mamahalin.
Si Dave, former lover turned bestfriend ni Vincent. Kinakatawan niya ang mga bading na nangangarap ding magkaroon ng anak at paÂmilya. Ipinakita niya na hindi habang buhay ay sarap at fling lang ang hanap ng mga bakla. Gusto rin nila ng katahimikan at pamilya.
Si Vicky, ipinakita niya ang mga babaing bakla – na maÂrahil tanggap ang pagkakaroon ng mga bading sa lipunan ay hindi naman nito nanaising magkaroon ng bading sa paÂmilya niya.
On behalf of the whole cast and production of My Husband’s Lover, hindi namin mahanap ang mga salitang sasapat para maipahatid sa inyo kung gaano kalaki ang aming pasasalamat sa inyong pagtanggap, pagmamahal at pagsuporta sa mapangahas na programa namin. Kami ay umaasa na hanggang mamayang gabi, sa pagwawakas ay magkakasama pa rin tayong susubaybay at magkikita-kita bukas sa One More Try concert sa Araneta.
- Latest