‘Sinubastang tahanan’
BAWAT hayop ay may kani-kaniyang teritoryo. Agawan mo ito tiyak na ipaglalaban niya ng patayan ito.
“Pumunta ako ng City Hall at nalaman ko na lang na ang bahay na tinirhan naming pamilya ng higit 13 taon ay mapupunta na sa iba,†sambit ni Flor.
Si Flor o Florida Santos, 77, taga-Quezon City ay nagtungo sa aming tanggapan upang humingi ng tulong tungkol sa di-umanong walang pasabing pag-auction sa lupang kinatitirikan ng bahay nila sa North Fairview nung Oktubre taong 2012 ng mga tauhan ng Quezon City Hall. Kasama niya ang manugang na si Rose Ann Santos, 25, asawa ng kanyang bunsong anak. Pinaghati-hati na niya ang lupaing iyon sa pitong anak niya kaya’t ngayon nagpapalipat-lipat na lang sila ng matutuluyang mag-asawa sa mga anak nila. Tubong-Bicol si Flor at ang asawa nitong si Amos. Mananahi siya sa probinsya nila sa Sorsogon samantalang karpintero naman ang asawa. May siyam silang anak.
Taong 1982 nagpunta ng Maynila ang mag-asawa bitbit ang ilan sa kanilang mga anak para subukan ang kanilang kapalaran. Nakitira muna ang pamilya ni Flor sa kapatid niya sa Bagong Silang, Caloocan. Nang makaipon ay kumuha sila ng puwesto sa palengke at dun ay nagtinda sila at nagtayo ng sariling patahian. Isang taon pa ang nakalipas ay lumipat naman sila sa Medalla Compound. 12 taon silang nanirahan kasama ang buong pamilya. Isang araw, nagkwento raw ang kapitbahay nilang may binibentang “rights†ng mga lupa sa North Fairview. Dahil gusto na ring magkaroon ng sariling lupa nila Flor nakiusyoso ito.
Ipinakilala naman agad siya ng kapitbahay sa mga hardinerong nagbebenta ng mga “rights†ng lupa. Doon daw ay nakabili siya ng 100 sq. meters na lupa sa halagang 50, 000 PHP. Pinatayuan agad ito ng mag-asawa ng bahay hanggang nakabili ulit sila ng isa pang “right†para sa lupang 100 sq. meters ngunit sa halagang 75, 000 PHP naman. Nung sumunod na taon pa’y bumili uli sila ng “rights†sa mga lupang katabi ng mga nauna nilang nabili hanggang umabot na ang lupain ni la sa 300 sq. meters. Nang mag-asawa ang kanyang mga anak, binigyan niya ito ng tig-iisang parte hanggang sa mahati na ng tuluyan ang buong lupain.
Ika-30 ng Setyembre taong 2012 sinabihan siya ng kanyang kapitbahay na na-“auction†na raw ang lupang kinatitirikan ng mga bahay nila ng mga tauhan sa Quezon City Hall. Kinabahan siya at nagpunta agad sa munisipyo. Nagtungo siya sa “head ng auction†at nilinaw niya kung totoo ang usap-usapang bini-bid na raw ang mga lupain nila sa North Fairview. Sinabi naman agad ng isang tauhan ng auction department na bini-bid nga ang kanilang lupa at hiningan daw siya nito ng halagang 20,658 PHP.
“Yung sabi niya sa ’kin kelangan ko raw maibigay yung halagang yun hanggang ika-3 ng Oktubre pero sinabi ko na wala akong pera at 10,000 PHP lang yung pera ko pero di siya pumayag,†pahayag ni Flor.
Sinikap niyang kumuha ng pera sa mga anak niya hanggang nung ika-4 ng Oktubre taong 2012, nakaipon silang buong mag-anak ng 38,000 PHP. Pumunta uli si Flor kasama ang manugang niya sa City Hall. Sarado pa raw ang opisina ng nagpunta sila dahil nagbi-bidding pa raw ito kaya inantay nila itong matapos. Nang magbukas na ang opisina ay kinausap agad siya ng head ng auction at ang sabi nito sa kanya’y “nay pasensya na po kayo pero na-bid na po yung lupa niyo.â€
Nanlumo si Flor dahil hindi man lang daw siya nasabihang may bidding na palang nangyayari. Kaya naman daw nila itong bayaran kung nagsabi lang sila ng maaga kung magkano. Tinanong pa raw ni Flor kung pwede pa siyang humabol pero ang sagot lang daw nito sa kanya’y hindi na pwede dahil tapos na ang bidding. Sinabihan din sila na bibigyan sila ng isang taong palugit para maghanap ng bahay at pagkatapos ay dapat umalis na sila. Mag-iisang taon na simula nung natapos ang bidding at wala pa ring mahanap na bahay sila Flor kaya nagpasya na silang humingi ng tulong sa aming tanggapan.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Florida Santos.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES sinabihan namin sila Flor at ang manugang niyang hindi basta-bastang pwedeng mapaalis sa lugar nila kahit pa na-auction na ito. May mga prosesong dapat pagdaanan bago magawa ito. Kapag may Writ of Execution na galing sa korte maari nang ipag-utos sa sheriff na sila’y paalisin sa tirahan na kanilang minahal na higit pa sa isang dekada.
Pinayuhan namin siyang dapat muna nilang puntahan ang Quezon City Hall at kunin muna ang mga pangalan ng mga nakausap ukol sa “Auction†na sinasabi. Hindi namin siya lubos na matutulungan hangga’t hindi niya maipakita ang mga dokumento at kung sino ang mga taong nakaugnayan niya sa City Hall. (KINALAP NI MIG KAREN RAMIREZ)
Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166 (Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa [email protected]
- Latest




















