EDITORYAL - Milyong pisong bonus ng SSS officials
SA Enero 2014 ay itataas na ang contributions ng mga miyembro ng Social Security System (SSS). Mula 10.4 percent ay magiging 11 percent na ang hulog. Halimbawa ang kumikita ng P1,000 hanggang P1,249.99 ay magiging P110 na ang contributions. Ang maximum contributions ay magiging P1,760.00 na dating P1,560.00. Ayon sa SSS ang pagtataas ng contributions ay aprubado ni President Aquino.
Kasabay naman ng pag-aanunsiyo ng pagtataas ng contributions, nahayag naman ang milyong pisong bonus para sa mga matataas na opisyal ng SSS. Bukod sa mga opisyal, pagkakalooban din umano ng bonus ang mga empleado ng SSS. Mayroong walong board official ang SSS at bawat isa ay tatanggap ng P1 milyon. Ayon kay SSS President at CEO Emilio de Quiroz, ang P1-milyon na ibibigay ay performance bonus noong 2012. Sabi ni De Quiroz, ang pagbibigay ng bonus sa mga opisyaÂl ay moral. Nararapat daw ito sapagkat nakaÂgawa naman nang maganda sa corpoÂration ang mga opisyal. Kailangang magbigay ng bonus para maka-attract ng mga taong magtatrabaho sa kanila (SSS). Kailangan din naman daw na makipag-kumpetensiya sa mga pribadong kompanya. Nakasaad din naman daw sa Governance Commission na dapat magbigay ng performance bonus ang mga GOCCs sa kanilang opisyal.
Habang magtataas ng contributions at mamuÂmudmod ng milyon ang SSS, mahaba naman ang pila sa mga nagpa-file ng death benefits, sickness benefits at kung anu-ano pa pati ang pagpapakuha ng ID. Mayroong miyembro na nagpa-file ng death benefits ng kanyang kapatid ang inabot na ng apat na buwan. Ang mga nag-file para sa SSS-ID ay halos dalawa at tatlong buwan nang naghihintay. May mga nagrereklamo rin na halos walang parking space para sa members sa SSS Headquarters samantalang ang mga opisyal at empleado ay meron para sa mamahalin nilang sasakyan.
Walang magagawa kung magtataas ng contriÂbutions, pero dapat maging makatotohanan sa pagbiÂbigay ng serbisyo sa mga miyembro. Hindi sila dapat pahirapan sapagkat pera nila ang pinangsusuweldo sa mga opisyal ng SSS.
- Latest




















