^

Punto Mo

Lampong (431)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKA puwede na, Jinky. Subukan uli natin, puwede?’’ Sabi ni Dick na sa himig ay nakikiusap.

“Oo. Lagi naman akong nakahanda.’’

“Kasi nahihiya na ako, Jinky. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.’’

“Sinabi ko naman sa’yo, kung walang mangyari e di okey lang. Kung meron nang magandang mangyari, masaya ako…’’

“Salamat Jinky. I love you.’’

“I love you too, Dick.’’

Hinalikan ni Dick ang magagandang labi ni Jinky. Mamasa-masa ang mga labi ni Jinky. Napakabango ng hininga ni Jinky. Walang ipinagbago. Sariwang-sariwa na parang hininga ng bagong silang na sanggol.

Idiniin niya ang paghalik sa makikipot na labi. Lumalaban si Jinky. Nagpatagalan sila. Parang sumisisid sa malalim na dagat.

Nang bumitaw ay naghabol sila pareho ng hininga.

“Dick!” sabi ni Jinky na humihingal.

“Jinky, I love you!”

Muling hinalikan ni Dick si Jinky pero sa leeg na. Pinagala niya ang labi sa malambot na leeg ni Jinky.

Hanggang sa dumako sa ibaba --- sa gitna ng dalawang magagandang dibdib. Doon humimpil ang nagbabagang labi ni Dick. Inuna ang isang bundok. Tumigil sa gitna niyon at pagkatapos ay lumipat sa isa pang bundok. Tumigil doon. Ilang sandaling humimpil. Naglaro roon.

‘‘Dick...Dick.’’

Nagpatuloy si Dick. Pakiramdam ni Dick ay puwede na! Lumalaban na si Batutoy. Ha-ha-ha! Itinuloy ang paglalaro sa gitna ng bundok. Nagbabaga pa rin ang labi niya.

Nang mag­sawa sa bundok ay sa pinaka-ibaba na. Hindi na siya makapag­hihintay. Sa isip niya ay puwede na! Lumalaban na nga si Batutoy. Maigting na maigting na.

Nang nasa pinaka-baba na siya ay lalo nang naging baga ang labi niya. Tila umu­usok sa alimpuyo ang kanyang pakiramdam. Mukhang hindi na siya mapapahiya sa pinaka-mamahal na asawa. Mukhang maibibigay na niya ang matagal nang inaasam.

“Dick…Dick….’’

Hudyat ang tila pakiusap na iyon ni Jinky. Kailangan nang maipagkaloob ang hinahangad. Hindi na dapat pagtagalin pa.

At ginawa niya.

Puwede na nga yata! Puwede na…puwede na…

Pero nang nasa rurok na ay biglang nawalan ng lakas. Nangunti. Lumiit. Lungay­ngay.

Hiyang-hiya si Dick. Wala pa rin. Katulad pa rin ng dati.

Pero hindi galit si Jinky. Nang-uunawa.

(Itutuloy)  

vuukle comment

BATUTOY

DICK

JINKY

LABI

LUMALABAN

MUKHANG

NANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with