^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga ‘buwaya’ ang nakinabang sa Malampaya

Pang-masa

PARA sa mga magsasakang naging biktima ng bagyo ang pondong nanggaling sa Malampaya, pero sa mga matatakaw na buwaya napunta. Inamin ng dating empleado ni Janet Lim Napoles (“utak” ng pork barrel scam) na siya ang nakikipag-transact sa business kaugnay sa pondo ng Malampaya. Hindi raw niya alam ang tungkol sa Malampaya. Sabi naman ng whistle blower na si Benhur Luy, may mga kausap daw silang tatlong “Maria” sa Department of Agrarian Reform (DAR). Dito raw sila nagpa-follow-up kung mayroon nang pondo ang tinatag na non-government organizations (NGOs) ni Napoles. Nireregaluhan din daw ng handbags ang tatlong “Maria” para maging madali ang pag-follow-up sa pag-release ng pondo. Nakapagbulsa si Napoles ng P900 milyon sa Malampaya fund.

Ang Malampaya fund ay royalties na nakokolekta sa operasyon ng Malampaya gas and oil fields sa karagatan ng Palawan. Part ng proceeds o kinikita napupunta sa kapakanan ng mga magsasaka. Mula nang makapagmina ng langis sa Malampaya, inilalaan ang kita nito para mapaganda at mapaunlad ang kalagayan ng mga magsasaka at iba pang nagmamay-ari ng lupang sakahan.

Naging madali ang pagsipsip sa pondo sapagkat may mga kakutsabang opisyal sa loob mismo ng DAR. Walang kahirap-hirap ang pagbulsa sa pondo sapagkat mga matataas na opisyal ng tanggapan ang pasimuno. Imposibleng makapasok ang katulad ni Napoles sa DAR kung wala siyang “kakilala” roon.

Sinampahan na ng Department of Justice ng kaso ang mga opisyal na nakinabang sa Malampaya fund at nangunguna si dating President Gloria Macapagal-Arroyo. Ilang matataas na opisyal ng DAR ang kasangkot at siyempre, kasama ang “utak” ng scam na si Napoles.

Ngayong nasampahan na sila ng kaso, maging mabilis sana ang paglilitis. Hindi sana usad-pagong kagaya ng mga nangyayari sa korte ngayon. Hindi rin naman sana makalabas ng bansa ang mga “buwaya” kagaya sa mga naunang opisyal na kinasuhan sa Ombudsman.

 

vuukle comment

ANG MALAMPAYA

BENHUR LUY

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANET LIM NAPOLES

MALAMPAYA

NAPOLES

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with