^

Punto Mo

Baka bumubuwelo lang sina Jude at Tiger

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT pansinin ng mag-inang Liway at James Lasco ang reklamo ng mga residente sa Bgy. 230, Zone 21 sa Maynila bago maging huli ang lahat. Itong mag-inang Lasco mga kosa ay nagpapagawa ng bahay at ang reklamo ng mga residente ay nagkalat ang mga panambak nila sa kalye at wala na silang madaanan. Ipinarating na ng mga residente ang reklamo nila sa chairman ng barangay nila subalit wa epek dahil malakas daw ang mag-ina sa City Hall. Ang ibig kayang sabihin ng mag-inang Lasco ay bagyo sila kay Mayor Erap Estrada? Ayaw ni Mayor Erap ng ganyan! Baka tamaan ng kidlat ni Erap ang mga Lasco ah. Mismo!

Ang mga ganitong pananakot na malakas sa City Hall ang nakasisira sa mga magandang ginawa ni Erap sa Maynila, di ba mga kosa? Maaring maliit na isyu lang ang problemang dulot ng mga Lasco subalit sa mga maliliit na Manilenyo malaking bagay ito. At para sa kaalaman ng mga Lasco, tumabi ang anak ni Erap na si Jude at ang alipores na si alyas Tiger matapos mabulgar ang pangongotong nila sa VK operator na si Buboy Go ng halagang P600,000 at ng milyon sa fireworks importer na si Robert Cheng. Ang balita ko, pinagalitan ni Erap si Jude at hayun nanahimik na ito at si Tiger. Baka kumukuha lang ng buwelo ang mag-among Jude at Tiger, ano sa tingin n’yo mga kosa? Ito namang si PO2 William Cajayon ay ginamit din ang pangalan ni Erap para makalusot sa gambling lords. May nakausap na si Cajayon subalit nagtago rin matapos mabulgar ang kanyang masamang gawain. Kung itong si Jude na anak nya, at si Cajayon na bagyo umano sa kanya ay dinisiplina ni Erap, eto pa kayang mag-inang Lasco? Baka hambalusin din ni Erap ang mag-inang Lasco sa pagbanggit ng City Hall, di ba mga kosa?

Tungkol naman sa pasugalan, tuloy din naman ang bookies ope­ration nina SPO2 Gener Presnedi alyas Paknoy at Delfin “Daboy” Pasya, ang lotteng ni Don Ramon at video karera ni Gina Gutierrez. Kaya naman hindi huminto sina Paknoy, Pasya, Don Ramon at Gutierrez, ay dahil kinakalong sila ng scalawag cops na sina Insp. Arnold Sandoval, SPO4 Fernando Cantillas at PO2 Fernando “Andoy” Diamzon. Dahil maraming “no take” sa PNP, minabuti ng gambling lords at kasabwat na scalawag cops na itapon ang pitsa na para sa mga ayaw sa mga station at PCP commanders. Para magtagumpay ang kampanya ni Erap laban sa pasugalan, siguro panahon na para i-reshuffle niya ang mga station at PCP commanders sa MPD, di ba mga kosa? Mismo!

Pero mukhang di na rin nakatiis si MPD director Chief Supt. Isagani Genabe Jr. at nakisawsaw na rin sa pasugalan kung ang pagmamayabang ng isang Larry Javier ang gagawing basehan. Ayon sa mga kosa ko, nag-iikot si Javier sa mga ilegal sa Kamaynilaan at may basbas daw siya ni Maj. Noel Casabwatan, este Maj. Noel Cabuhatan ng DSPU para mangolekta ng tong. Kahit sinong pulis ang tanungin sa MPD, ituturo nila itong si Casabwatan, este Cabuhatan na sagradong bata ni Genabe. Ano ba yan? Sinabi ng mga kosa ko na pulis-CIDG si Javier. Ayaw ni CIDG chief Director Frank Uyami ng ganyan. Abangan!

ARNOLD SANDOVAL

AYAW

BUBOY GO

CAJAYON

CITY HALL

DON RAMON

ERAP

LASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with