^

Punto Mo

Lalaking mahilig kumain ng snails, naging berde ang mga mata at balat

- Arnel Medina - Pilipino Star Ngayon

PARANG naging “Incredible Hulk” ang isang lalaki sa China makaraang kumain nang maraming suso (snails). Naospital ang lalaki makaraang makakain ng suso. Biglang sumakit ang tiyan ng lalaki. Ang ipinagtaka ng mga doctor, nagkulay berde ang mga mata at balat ng lalaki.

Ayon sa 24-an­yos na lalaki, mahilig siyang kumain ng suso noon pa. Paborito niya ang mga suso na nakukuha sa ilog. Napakarami umanong suso na nakukuha sa ilog at iniluluto niya iyon. Paborito niya ang fried na suso. Araw-araw daw ay umuubos siya ng isang platong fried na suso. Talaga raw sarap na sarap siya sa suso.

At nagtaka nga ang lalaki nang biglang sumakit ang kanyang tiyan. Kakaiba ang sakit na naramdaman niya. Wala namang ma-diagnosed ang mga doctor sa unang ospital na pinagdalhan sa kanya.

Hanggang sa lumipat siya sa Aerospace Hospital sa Guizhou at nadiskubre na infected siya ng parasitic flatworms na nasa mga suso na kinain niya. Ang mga flatworm ay nagtungo na sa kanyang atay. Iyon ang dahilan kaya naging berde ang kanyang balat at mata. Nagbi-build-up umano ng bilirubin sa kanyang katawan.

Inoperahan sa atay ang lalaki at kinuha ang mga flatworm. Maaari raw gumaling pa ang lalaki.

vuukle comment

AEROSPACE HOSPITAL

ARAW

AYON

BIGLANG

INCREDIBLE HULK

LALAKI

PABORITO

SUSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with