^

Punto Mo

Davantes slay masalimuot pa rin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pilipino Star Ngayon

Bagamat lima na sa anim na sinasabing suspect na sangkot sa pagpaslang kay Kae Davantes ang naaaresto hindi naman kumbinsido ang kaanak ng biktima na holdap o car­napping lamang ang motibo sa isinagawang krimen.

Kung sabagay, mukhang masalimuot pa rin ang tunay na motibo kahit pa nga marami na sa mga suspect ang umamin sa naganap na pagpaslang kay Kae.

Sa pahayag ng tiyuhin ni Kae na si Vincent Davantes marami pa silang mga kuwestiyon na hindi nabibigyan ng kasagutan kaugnay sa naganap na pagpaslang sa kanyang pamangkin.

Kaya nga humihiling pa sila ng mas malawak o malalim pang imbestigasyon sa kaso.

Meron din daw pagkakaiba sa salaysay ng mga nadakip at sumukong mga suspect.

Kung sabagay noong unang matagpuan ang bangkay ni Kae sa ilalim ng tulay sa may Silang, Cavite una nang isinantabi ang anggulo ng robbery dahil suot pa nito ang ilan niyang alahas.

Pinatunayan ito ni Vincent dahil suot pa raw ng kanyang pamangkin ang engagement ring nito na may brilyantes at relo na hindi kinuha ng mga salarin kung talagang holdap  lamang ang kanilang pakay.

Kung karnap naman, nakuha na nila ang sasakyan eh bakit isinama pa hanggang Cavite si Kae.

Marami pang kuwestiyon ang pamilya Davantes sa motibo, maging ang tunay na utak sa ginawang pagpaslang.

Magkatuwang sa paglutas sa kaso ang NBI at PNP sa ilalim ng binuong Task Force Kae. Magugunitang ang unang suspect na si Samuel Decimo ay unang nadakip ng NBI.

Malaki rin ang tanong ng pamilya Davantes kung bakit hindi naipakita ni Decimo sa isinagawang reenactment kung paano nila hinoldap si Kae at ang ipinakita lamang ay ang  ginawang pagdukot, pagpatay at pagtatapon dito.

Nilinaw naman ng pulisya na hindi pa naman nila tuluyang isinasara ang kaso at pa­tuloy pa rin ang imbestigasyon sa iba pang motibo sa krimen.

Gayunman, kumbinsido silang ang mga naarestong suspects ay sangkot sa kaso.

vuukle comment

BAGAMAT

CAVITE

DAVANTES

DECIMO

KAE

KAE DAVANTES

SAMUEL DECIMO

TASK FORCE KAE

VINCENT DAVANTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with