^

Punto Mo

Lampong (423)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PROBLEMADO si Dick na maaaring maimbestigahan si Jinky sa nangyaring kaguluhan sa Miguelin St. Tiyak na may nakakita kay Jinky habang tumatakbo sa kalye. At baka may nakakita rin sa kanya nang salubungin ang tulirong asawa.

“Pareng Rey hindi mo ba narinig kung may nagtatanong sa asawa ko? Kasi’y tiyak na may nakakita sa kanya. Mara-ming tao sa Miguelin nang maganap ang gulo.’’

“Wala naman akong nari-nig Pareng Dick. Ang usap-usapan ay ang nanghostage na lalaki. Nagsimula raw topakin ang hostage taker noong mamatay ang ama. Pinatay daw ang ama ng hostage taker at parang nagkaroon ng deperensiya. Palagi raw sa probinsiya ang lala­ki at bihirang manirahan dito. Pasulpot-sulpot lang daw. Pero wala akong narinig na kuwento ukol sa misis mo.’’

“Kinakabahan ako Pareng Rey na may dumating na pulis dito at imbestigahan ang asawa ko. Pareng Rey ayaw kong ma­babalita ito. Ayaw kong mala-lantad ang buhay namin.’’

“Wala tayong magagawa kapag ganyan ang nangyari. Ang mabuti pa ay sabihin ni Misis   mo ang totoo sa mga awtoridad kung mayroong mag-iimbestiga. Kung wala namang magtatanong, mas mabuti para wala nang problema.’’

“Kasi Pareng Rey, ayaw kong mababalita sa diyaryo ito. Baka may kumuha ng picture e tiyak na mababalita sa probinsiya.’’

“Huwag kang matakot, Pa­reng Rey. Walang media na ma­kakapasok dito para siya makunan ng picture. Pulis lang ang makapapasok dito.’’

“Salamat Pareng Rey.’’

‘‘E kumusta na ba si Jinky? Anong sabi ng doktor?’’

“Kailangan lang ang pahinga ni Jinky. Mga dalawang araw na lubusang pahinga ay maaari na raw siyang kausapin. At makalipas ang isang linggo puwede nang lumabas.’’

“Salamat naman at okey na siya. Kapag okey na, siya na ang makakapagkuwento kung bakit siya nasa Miguelin St. at kilala ba niya yung hostage taker. Siya lamang ang makapagbibigay ng buong pangyayari.’’

“Oo nga Pareng Rey. Hang­ga’t hindi ko naririnig ang pagkukuwento ni Jinky ay hindi ako matatahimik.’’

“Relaks ka lang Pareng Dick. Kaya mo ‘yan. Narito naman ako para ka tulungan. Ipanatag mo ang loob mo.’’

“Salamat, Pareng Rey. Napa­kabuti mong kaibigan.’’

“Okey lang, Pare ko’y. Kapag mabuti na si Jinky, sasama ako sa inyo sa probinsiya para doon tayo uminom ng konti. Tiyak na mas masarap ang INASALITIK doon. Fresh na fresh ang pulutan natin, he-he!’’

“Huwag kang mag-alala at kahit isang trak na INASALITIK pakakainin kita, ha-ha-ha!’’

 

MAKALIPAS ang dalawang araw ay mabuti na ang kalagayan ni Jinky. Nakapagkuwento na ito nang mga nangyari kung paano napunta sa Miguelin at kung sino ang lalaking nang-hostage.

“Siya si Franc, anak ng drug lord na si Pac. Si Pac ‘yung may kuhulan sa Villareal di ba? Yung muntik nang pumatay sa’yo Dick. Gusto ni Franc na gumanti sa atin dahil pinatay daw natin ang daddy niyang si Pac.’’

Hindi makapaniwala si Dick. Pero ang gusto pa rin niyang malaman ay ano ang relasyon ni Jinky sa Franc na iyon. Bakit humantong sila rito sa Maynila? (Itutuloy)

HUWAG

JINKY

KAPAG

KASI PARENG REY

MIGUELIN

PARENG

PARENG DICK

PARENG REY

REY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with