^

Punto Mo

EDITORYAL - Matakot sa ngitngit ng taumbayan

Pang-masa

HINDI bumibitaw ang taumbayan sa pagsu­baybay kay Janet Lim Napoles at mga mambabatas na nakinabang sa pork barrel. Kahit pa nagkaroon nang madugong labanan sa Zamboanga, hindi pa rin natitinag ang taumbayan sa isyu ng pork barrel. Kahit pa nagkaroon ng mga pagbaha, pananalasa ng bagyo at mga pagguho ng lupa, hindi bumitaw ang taumbayan sa pagsubay­bay sa imbes­tigasyon ng pork barrel scam. At kahit mayroon pang may mangyaring kaguluhan at trahedya, ang pagsubaybay pa rin sa pork barrel scam na minaniubra ni Napoles ang patuloy na susundan. Gustong malaman ng taumbayan ang mga ginawa ni Napoles kung paano naibulsa ang pondo ng taumbayan.

Kaya maraming nagagalit kay Senate President Franklin Drilon sa ginagawa niyang patuloy na pagtanggi na pirmahan ang subpoena para kay Napoles. Paulit-ulit ang pakiusap ng Senate blue ribbon committee na pirmahan ng Senate President ang subpoena para mapadalo si Napoles sa Senate hearing. Tanging ang whistle blowers ang pinayagan ni Drilon na humarap sa pagdinig. Ang pagtanggi ni Drilon na padaluhin si Napoles ay dahil sa pagtanggi rin naman ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ang pagtanggi ni Drilon na huwag padaluhin si Napoles ay lumilikha nang maraming kuwento. Meron bang itinatago? Bakit kailangang pigilan ang pagdalo ng “utak” ng scam? Nagdadagdag ito ng ngitngit sa taumbayan na nagsasawa na sa katiwaliang nangyayari sa gobyerno. Bakit hindi hayaang maluwag na gumulong ang pag-iimbestiga sa scam?

Masamang magalit ang nagngingitngit na taum­bayan. Baka masagad ay lumikha nang alon ng protesta. Huwag hadlangan ang nais ng taumbayan na maiharap sa Senado ang utak ng scam. Dapat nilang marinig ang may kinalaman sa paglulustay ng kanilang ibinabayad na buwis.

BAKIT

DAPAT

DRILON

JANET LIM NAPOLES

KAHIT

NAPOLES

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

SENATE PRESIDENT

TAUMBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with