^

Punto Mo

Payara: Ang isdang kumakain ng Piranha

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUNG inaakala n’yo na ang Piranha ang kinatatakutang isda sapagkat matatalim ang ngipin at kayang lapain sa isang saglit ang biktima, nagkakamali kayo.

Mas nakakatakot ang Payara sapagkat mas mabilis siyang kumain ng kanyang biktima. Sa isang iglap kaya niyang sakmalin ang kalahati ng katawan ng biktima dahil sa dalawa niyang matatalas na ngipin.

Dahil sa matalas na dalawang ngipin ng Paraya, tinatawag din siyang Vampire Fish. Mis­tulang ngipin ng bampira ang mga ngipin ng Payara na humahaba ng hanggang six inches. Malaki at matigas ang panga ng Paraya kaya balewala kung lapain ang mga mas malalaking isda.

At maniniwala ba kayong ang paboritong kainin ng Payara ay ang mga Piranha. Malaking bahagi ng kanilang diet ay binubuo ng Piranha. Ayon sa mga mananaliksik, hindi mabubuhay ang Paraya kung wala silang pagkaing Piranha.

Lumalaki o humahaba ng 1.2 meters (o 4 feet) ang Payara. Karaniwan itong matatagpuan sa Amazon River.

AMAZON RIVER

AYON

DAHIL

KARANIWAN

LUMALAKI

MALAKI

PARAYA

PAYARA

VAMPIRE FISH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with