^

Punto Mo

Alagang kabayo ng mag-asawa umakyat sa bubong

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang mag-asawang Stephen at Pat Downey ng New Brunswick, Canada nang makita isang umaga ang kanilang alagang kabayo na nasa bubong. Nakatayo ang kabayo at walang kakilus-kilos. Hindi maipaliwanag ng mag-asawa kung paano napunta ang kabayo sa bubong ng kanilang garahe.

Ayon sa mag-asawa, marami silang alagang kabayo. Ma­tagal na umano silang nag-a­alaga ng kabayo, 15 taon. Nasanay na sila na pagbangon sa umaga na nakikita ang mga kabayo sa paligid. Kaya nang makita ang kabayo na nasa bubong, ay hindi­ sila makapaniwala. Ngayon lang nangyari na mayroong kabayo na napunta sa bubong.

Hula ng mag-asawa, lumukso ang kabayo sa bubong at hindi na ito makababa. Pero ang nakapagtataka ay kung paano nakalukso ang kabayo sa ganoon kataas na bubong ng garahe.

Kinunan nila ng retrato ang kabayo habang nasa bubong.

Para mapababa ang kabayo, itinaboy nila ito sa mababang portion ng bubong para makatalon. Inabot din sila ng ilang oras bago napababa ang kabayo.

Marami ang ayaw maniwala sa mag-asawa pero nang ipakita nila ang retrato, nakumbinsi sila.

 

AYON

BUBONG

INABOT

KABAYO

KAYA

KINUNAN

MARAMI

NEW BRUNSWICK

PAT DOWNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with