^

Punto Mo

Lalaki, inipon ang mga nginuyang babolgam; nakabuo ng higanteng babolgam na ang bigat ay 175 pounds

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MADALAS ka bang makatapak ng nginuyang babolgam at hindi maalis sa iyong sapatos o tsinelas? Marami kasing nasanay na kapag nginuya ang babolgam, ay iluluwa na lang kung saan-saan. Mayroon naman na ididikit sa ilalim ng upuan, mesa o kung saan-saan pa. Nakakadiri tuloy na nasasalat ang mga nginuyang babolgam.

Bakit hindi kaya ayusin ang pagtatapon? Ibalot sa tissue o papel at saka itapon sa basurahan.

O kaya’y gayahin ang ginawa ni Barry Chappel na matiyagang inipon ang nginunguyang babolgam. Sa pagtitiyaga, nakaipon siya ng higanteng babolgam na tumitimbang ng 175 pounds.

Ayon kay Chappel, nag-umpisa ang hilig niyang koleksiyunin ang nginunguyang Nicorette gum nang tumigil siyang manigarilyo. Ang pagnguya ng Nicorette ang nakatulong para maihinto ang pagkahilig niya sa sigarilyo.

Habang nasa eroplano umano siya ay pinuproblema kung saan ilalagay ang nginuyang Nicorette. Hanggang sa magkaroon siya ng ideya. Kinimis-kimis niya ang nginuyang Nicorette gum hanggang sa makabuo siya nang maliit na bola.

Iyon ang naging simula at inipon nang inipon niya ang mga gum na nginuya. Hanggang sa maisip niya, bakit hindi siya gumawa nang higanteng babolgam? Malilibang na siya ay matutulungan pa siyang umiwas sa paninigarilyo.

Nakakolekta siya ng 95,200 piraso ng nginu-yang babolgam sa loob ng anim na taon at tumitimbang ito ng 175 pounds. Lubusan na rin siyang nakaiwas sa paninigarilyo.

(www.oddee.com)

AYON

BABOLGAM

BAKIT

BARRY CHAPPEL

CHAPPEL

HABANG

HANGGANG

IBALOT

NICORETTE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with