^

Punto Mo

Palitan ang peace adviser

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGHUHUGAS- KAMAY si presidential adviser on the peace process Teresita “Ging” Deles na may kaugnayan sa Zamboanga crisis.

Ipinagpipilitan ni Deles na kasama naman daw talaga sa binuong Bang­samoro framework agreement ang MNLF kaya wa­lang dahilan para mag-alburuto si Nur Mi­suari.

Kung talagang kasama ang MNLF, bakit hindi sila nakabilang sa mga naunang usapan at konsultasyon. Malinaw naman na ang Bangsa-moro entity ay nakadisenyo sa MILF at itsapuwera dito ang MNLF. Nang mangyari ang kaguluhan sa Zamboanga, saka isinasali ni Deles.

Isa sa katibayan na hindi talaga kasama si Misuari ay nang hindi ito inimbitahan nang lagdaan ang framework agreement sa Malacanang. Tila nagkamali ng kalkulasyon si Deles. Ang buong akala siguro nila wala nang ibubuga si Misuari.

Isa pang palaisipan kay P-Noy ay  kung bakit hindi nauubusan ng bala ang mga tauhan ni Misuari. Naghihinala ang gobyerno na mayroon itong nakukuhang suportang pinansiyal sa ibang tao.

Ayon sa mga nag-oobserba sa sitwasyon, hindi naman daw dapat pagtalunan na talagang pumalpak si Misuari sa paghawak sa ARMM kaya hindi nakamtan ang mithiin nito sa rehiyon. Kung pumalpak si Misuari, maaaring nagkulang din ang gobyerno sa pagbibigay ng suporta kay Mi-suari.

Panahon na para magpalit si P-Noy ng peace adviser. Makakabuting ang italaga niya ay ang mga nirerespeto sa komunidad ng Muslim na nakakaintindi ng tunay na sitwasyon at problema ng Bangsamoro.

AYON

BANGSA

BANGSAMORO

ISA

MISUARI

NUR MI

P-NOY

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with