Mag-asawa, may koleksiyon ng iba’t ibang uri ng love dolls
KAKAIBA ang hilig ng mag-asawang Bob at Lizzie Gibbins --- ang mangolekta ng iba’t ibang uri ng love dolls. Si Bob, 60, at Lizzie, 55, ay mayroon nang 240 love dolls.
Binibihisan nila at inaÂayusan ang love dolls at isinasama nila sa pamamasyal sa mall at pagsa-shopping.
Ayon kay Bob, nagsimula siyang magkaroon ng hilig sa manika noong ibinibili niya ng rag dolls at iba pang laruan ang kanyang dalawang anak. Hanggang sa magkaroon siya ng interes sa mga silicone dolls na nakita niya sa internet. Naisip niya na magandang mangolekta ng love dolls.
Sa tulong ng asawang si Lizzie, bumili siya ng kauna-unahang love dolls noong 2007 na pinangalanan nilang Beverly. Nagkakahalaga si Beverly ng $4,000. Iyon na ang simula at nagsunud-sunod na ang pagbili nila ng love dolls. Ang pinaka-murang love dolls na nabili nila ay $639 samantalang ang pinaka-mahal ay $11,202 na pinangalanan nilang Jessica.
Lahat-lahat, nasa $160,000 na ang nagagastos ng mag-asawa sa kanilang koleksiyon ng love dolls.
Ganunman, kahit na ang love dolls ay ginagamit para sa sexual purposes, sinabi ni Bob na hindi niya ginagamit ang mga ito. Talagang nakahiligan lang niya ang mangolekta ng mga ito dahil napaka-attractive. Itinutu-ring daw niyang bahagi ng pamilya ang love dolls.
- Latest