^

Punto Mo

‘Exchange deal’ (Budol-budol syndicate)

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HABANG papalapit ang Kapaskuhan, nagiging agresibo ang mga dorobo’t manggagantso.

Hindi na bago sa publiko ang mga insidente ng Budol-budol subalit, marami pa rin ang nadedenggoy. Iisa lang ang tanging sagot ng mga nabibiktima, na-hipnostimo sila ng mga taong lumapit at nag-alok ng bungkos ng pera!

Nagsisimula ang modus sa simpleng pagtatanong ng isang umano’y bagong salta sa lugar. Lingid sa kaalaman ng prospect victim, taktika ito ng sindikato. Walang pinipiling lugar at panahon ang mga sindikato ng Budol-budol.

Basta nakakita ng oportunidad kesehodang sa loob ng simbahan, mall, mga pamilihan at lansangan, ikakasa nila ang hokus-pokus sa pamamagitan ng pagpapanggap.

Subalit, bago nila isinagawa ang modus, napag-aralan na nila ang personalidad ng bibiktimahin partikular ang economic status nito. Ang siste, mag-aalok sila ng bungkos ng pera kapalit ng gadget, alahas, gamit at lahat ng maaari nilang pakinabangan.

Kapag nakuha na ang pakay, pansamantalang magpapaalam muna sila sa kausap dahil sa umano’y isang “emergency.” Tangay ang mga gamit ng biktima, iiwanan nito bilang kolateral ang bag na puno ng pera. Malalaman na lang ng biktima na budol o pekeng pera ang laman ng bag. Ginupit-gupit na papel lang iyon.

Babala ng BITAG, ‘wag makikipag-usap sa mga estrangherong nagmamagandang-loob at nag-aalok ng pera. Tandaan, walang hipnotismo! Hinahayaan n’yo lang ang sarili n’yo na maniwala sa matatamis na boladas at pangako ng mga sindikato dahil na rin sa kasakiman na yumaman!

 Maging paladuda at alerto sa inyong kaharap upang hindi mabiktima ng Budol-budol! Mag-ingat!

*  *   *

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga episode ng PINOY-US Cops – Ride Along at BITAG, ugaliing mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.

 

vuukle comment

BABALA

BITAG LIVE

BUDOL

GINUPIT

HINAHAYAAN

IISA

RIDE ALONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with